Breaking News, Showbiz

Gameboys OST album ire-release na sa April 30

NAKATAKDA nang i-release sa April 30 sa iba’t ibang digital platforms (Spotify, Apple Music at Deezer) ang official soundtrack album ng season one ng hit Pinoy BL series na Gameboys base sa Twitter announcement ng producer nitong The IdeaFirst Company. Kasabay nito ay inanunsiyo rin ang nagwagi sa album cover design contest na nagmula pa sa Brazil.

Ayon sa tweet ng IdeaFirst, “Mark the date GAMEBOYS S1 OST out on APRIL 30! Featuring the winning cover design of @kdoospiller from Brazil!”

Binati rin ni Direk Perci Intalan, isa sa mga bossing ng IdeaFirst along with Direk Jun Robles Lana, sa kanyang tweet si @kdoospiller. “Congratulations to the winner of the Gameboys S1 OST album cover design: @kdoospiller from Brazil! Watch out for the release of the album on April 30!”

April 4 nang ianunsiyo ni Direk Perci sa social media ang pagkakaroon ng contest para sa album cover design ng Gameboys OST album.

Marami ang sumali sa contest at nagmula pa ang entries sa iba’t ibang panig ng Pilipinas gayundin sa ibang bansa. Ayon nga sa tweet ni Direk Perci, “Thank you to all who joined our GAMEBOYS S1 OST Album Cover Design Contest! We got 129 really creative entries from Luzon, Visayas and Mindanao to the US, UK, Germany, Brazil and Malaysia!”

Ang nagwagi ngang entry ay kay @kdoospiller ng Brazil. Makikita sa winning design ang mga bida ng Gameboys na sina Elijah Canlas at Kokoy De Santos kasama sina Adrianna So at Kyle Velino, na parehong gumanap din ng espesyal na roles sa online series na maaari pa ring mapanood sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company at sa Netflix.

Nanalo ng cash prize na P10,000 si @kdoospiller, na inihayag ang kasiyahan sa kanyang tweet: “In 2020, #Gameboys inspired me to the point that, even on the other side of the world, I found myself wanting to be part of this family. Well… that time has come. I participated in the contest to create the cover of the official soundtrack of the S1 and, YES, I did it!”

Siguradong kabilang sa OST album ang mga paboritong awitin sa Gameboys season one na pawang isinulat at nilapatan ng musika ni Emerzon Texon gaya ng Isang Laro (vocals by Nasser courtesy of Curve Entertainment), Panalo Ka (vocals by Dex Yu), Pag-asa (vocals by Elijah Canlas), Hiling (vocals by Joshua Ronett), at Ngayon (vocals by Dex Yu). Magkakaroon din daw ito ng bonus tracks na never before released.

Kaya naman excited na ang Gameboys fans all over the world para sa OST album release sa April 30.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)