Breaking News, Opinion

Francis Leo Marcos, Willie Revillame: Ano ang naiba?

HUMUHUPA na ang Covid sa buong mundo.

Antay po tayo ng second wave.

—–$$$—

ITINAKDA ng DepEd ang opening of classes para sa 2020-2021 school calendar sa Agosto 24.

Meaning, hindi natin namalayan—nag-closed na pala ang 2019-2020 school year nang walang grado ang ating mga anak.

——$$$—

PINAMAGARBONG eleksiyon ang 2022 elections.

Lahat ng incumbent officials, sangrekwa ang campaign funds.

—–$$$—

MARAMI nang excited sa kampanya.

Marami na silang datung.

—–$$$—

UNTI-UNTI nang pumoporma ang mga drug lord, gambling lord at prostitution lords.

Uhaw na uhaw sila sa dugo ng mga nagdarahop.

—–$$$–

HINDI lang ang mga tao ang apektado ng lockdown.

Pati si Lord—hindi na napagdadasalan sa mga kapilya’t simbahan.

—-$$$–

MALULUSOG  ang 4 bilyong populasyon sa buong daigdig.

Kain-tulog lang ang buhay.

—-$$$–

SA ayaw o sa gusto ng bawat nilalang, ang mga tao ay nasa ilalim ng global meditation.

Ibig sabihin ng meditation—konsentreyt lang ang isip sa iisang bagay.

Iyan ay kung paano makakabalik sa normal.

——$$$–

MARAMI ang humuhusga sa nagpapakilalang si Francis Leo Marcos.

Iisa lang naman ang kanyang motibo at ni Willie Revillame.

Ito ay ang dumami ang kanilang “viewers” gamit ang “modus sa pamimigay” sa mahihirap.

—–$$$—

ANG mga game-show ay kailangan ng viewers upang patulan ng mga sponsors.

Mula sa sponsors, yumayaman ang mga host.

Modernong “host” si FLM—sa  kanyang diskarteng “pilantropo”.

—–$$$–

ANG mga game-show, tulad ngayon at maging sa normal na buhay—ay scripted at “recorded”.

Kinopya yan sa “The Price is Right” sa US.

Pinagaganda ang “presentasyon” upang makahakot ng viewers.

Ano ang pagkakaiba nila kay FLM?

——$$$—

IISA lang ang problema ni FLM.

Ito ay ang kanyang “secret character”.

Sino ang wala?

Eka nga sa paborito ninyong noon time show: Huwag kang ‘DYADSMENTYAL”.

He, he, he: May bigas pa ba dyan?

—30—