Breaking News, Showbiz

Francine Diaz ‘di iiwan ang Kapamilya; Zephanie balik-Kapamilya

MAHALAGA ang role Francine Diaz bilang Cassie Mondragon sa sikat na seryeng “Kadenang Ginto” na pinagbidahan nina Beauty Gonzales at Dimples Romana. Kahit maikli ang kanyang karakter sa nasabing serye, dito siya mas nakilala at tumatak sa mga viewers ang inabot niyang pang-aapi sa mga kalaban ng mga pamilya. 

Si Francine ay naging produkto ng PBB’s bahay ni Kuya kung saa’y nabuo ang Golden Squad na binubuo nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ang kanyang kalabtim na si Kyle Echarri.

Sa panayam kay Francine, naalala niyang bukod sa ‘Kadenang Ginto,’ nasama rin siya sa indie film na ‘Tenement 66’ at cameo role naman sa Kapamilya seryeng ‘Pasion de Amor.’ Sa mga nasabing projects na masasabing saling-pusa lamang ang ibinibigay na roles sa kanya, ayon sa young actress, tumatanaw pa rin siya ng utang na loob dahil sa mga maliliit na roles, dito siya nahasa ng pag-arte.

Sa ngayon, kahit isa na siyang bida sa seryeng ‘Huwag Magamba,’ aniya’y handa pa rin siyang tumanggap ng bit roles basta’t maganda ang kanyang karakter.

“Open naman ako sa mga bagong character. At kung malayo man siya kay Cassie (Kadenag Ginto), basta nasa edad ko pa rin (ang role). Hindi masyadong mature siyempre. Ready ako sa mga ganun. Sobrang open ko kasi gusto ko yung may challenge minsan eh. Nakakapag-explore ako bilang artista,” bungad ni Francine.

Pagkatapos nitong pumirma ng bagong kontrata sa  ABS-CBN last February 26, sinabi ni Francine sa kanyang panayam na may mga natanggap siyang offers sa kabilang network bago ang pagpirma nito ng kontrata. Tanda nito, 2020, ito yong taong pinagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang Kapamilya at nasabay din ang pandemic.

Marespeto naman daw niyang tinanggihan ang alok at sinabi niyang siya’y solid Kapamilya.

“May mga nag-offer pero choice ko rin na mag-stay dito kasi para sa akin pamilya ko na ito. Hindi lang siya basta company or network, hindi porke’t mataas ang ABS-CBN dito ako mag-stay. Nag-stay ako dahil ito yung family ko. ABS-CBN yung tahanan ko. Gusto ko ring ipakita sa lahat yung loyalty ko dito sa family na ‘to. And again ito ay tahanan ko talaga,” mahinahon nitong paliwanag.

Nagbunga naman ang kanyang pagiging loyal dahil niregaluhan  siya ng isang drama series, ang ‘Huwag Kang Mangamba,’ with co-Golden Squad members, na mapapanood na ngayong March 22.

“Pag nagpe-prepare ako sa ‘Huwag Kang Mangamba,’ pagka may sini-send silang script inaaral ko yung mga eksena. Kinakabahan din ako kasi kailangan marami kaming mabigay na message sa mga kapamilya natin. Gold Squad pa rin kasama and nakakatuwa kasi yung mga makakasama naming cast talagang mga beteranong aktor at aktres kaya ang dami naming natututunan sa kanila na mga bagong acting skills,” pahayag ni Francine sa nakaraang Kapamilya Strong event.

                        *****

            Zephanie mapapanood muli sa Kapamilya

MADALING unawain kung bakit kabilang sa mga nag-ober da bakod sa ibang network ang ABS-CBN’s Idol Philippines grand champion na si Zephanie Dimaranan na ngayo’y Zephanie na lang ang ginagamit na screen name. Ito’y dahil sa ang nagma-manage ng kanyang  career ay ang Cornerstone na siyang producer ng TV5’s Sunday noontime program na ‘Sunday Noontime Live’ sa segment na ‘Ultimate Vocal Showdown.’  Ang Cornerstone din ang may hawak ng halos lahat ng mga hurados sa ‘Tawag ng Tanghalan,’ gaya nina Kayla, Jaya, Karylle, at iba pa.

Kaya naman ang ‘It’s Showtime’ apperance ni Zephanie ay hudyat na rin ng kanyang pagbabalik-Kapamilya pagkatapos ng kanyang pamamalagi sa TV5 simula Oktubre, 2020 hanggang Enero, 2021.

Kaya’t nitong March 2 episode ng ‘It’s  Showtime,’ malaya at masaya nitong naitawid  ang pagiging mystery singer sa “Hide and Sing” segment kung saa’y ang guest contestant ay si Bernadette Allyson.

Bago malaman ng madlang pipol ang kanyang pagdi-disguise, inawit ni Zephanie ang “Tinadhana Sa ‘Yo,” ang parehong composition na kanyang in-interpret para sa Himig 11 songwriting competition. Napag-alamang lahat ng kasali sa Himig 11 songwriting contest ay mapapanood din sa ‘ASAP Natin ‘To’ bago ganapin ang grand finals ngayong  March 21, 2021.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)