Breaking News, Showbiz

‘FPJ’S Ang Probinsyano’ matagal pang mamamayagpag

NAALARMA ang ABS-CBN Corporate Communications head, Kane Errol Choa nitong nakaraang araw dahil sa kumalat na espekulasyong tatapusin na raw sa susunod na buwan ang primetime seryeng ‘FPJ’S Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco Martin. 

Nitong nakaraang araw kumalat sa social media ang ilang posts mula sa mga netizens kung saa’y sinasabi nilang hanggang  April, 2021 ang huling episode ng pangunahing primetime bida ng Kapamilya network. Ang nasabing balita ay naiulat din sa isang major broadsheet, gaya ng INQUIRER.net Lifestyle na umano’y nagbalitang ang ‘FPJ’s AP’ ni Coco Martin will end sometime next month.

Ayon pa sa ulat ng nasabing broadsheet, “A source told us that the final taping week is already scheduled and many of the cast members are already aware that the show will already have its finale next month (April).”

May kaparehas ding post ang Daily Tribune,na isang art card on social media na may headline na, “Coco Martin’s ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ to finally end next month.”

Sa pahayag ni sir Kane, nitong nakaraang Miyerkoles, March 3, kanya itong itinanggi, “It is not true,” maikli niyang sabi, at kanyang inihayag na sa susunod na mga araw maglalabas sila ng isang official statement hinggil sa isyu.

Sinuportahan ng isang insider (production staff) ang tila ‘fake news’,at kanyang sinabi na katatapos lang magteyping ng buong cast para sa kanilang sixth cycle of lock-in taping para sa serye.

Sa follow-up report, sinabi ng parehong source/insider, na sila’y muling pinababalik para i-shoot ang seventh cycle “next month,” kung saa’y ang buong cast will tape “good for more than a month na episodes.”

Sa panayam ng PEP.ph , naitanong sa insider kung ito rin ba ‘yung sinasabing last taping cycle ng  ‘FPJ’s Ang Probinsyano’  na sinagot naman ng insider ng, “Cycle 7 is not the final cycle.”

Patuloy pa ring napapanood ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa mga ABS-CBN Entertainment’s broadcast platforms: A2Z Channel 11 on free analog and digital TV, Kapamilya Channel on cable, and Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook.

                                                              *****

Bianca Gonzales nalampasan ang insecurity sa morenang kulay

TUNGKOL sa ‘insecurities’ ang naging topic sa ‘Magandang Buhay’ episode last March 3, Wednesday kung saa’y guest ang TV host na si Bianca Gonzales. Pinag-usapan ang ilang insecurities ng mga celebrities na gaya ni Bianca, ang pagkakaroon ng kulay-morena ang sanhi ng pag-iwas sa kanya ng mga dating  schoolmates

Sa panayam kay  Bianca, kanyang naikuwento: “I think ang insecurity ko ay usually insecurity din ng mga morena. Ito ‘yung hindi pantay na kulay, lalung-lalo na nung nasa grade school ako, high school ako, ‘yung parang proseso ng learning to love yourself pa ‘yun ‘di ba, ‘pag mas bata ka. So, napapansin ko na mas maitim ‘yung tuhod ko kaysa sa iba. ‘Pag may peklat ako sobrang maitim kumpara doon sa iba. Ang tagal mawala nung peklat, or kung may pimple ang tagal nung mark.”

Naging insecure man dahil sa kanyang balat, kalaunan ay natutunan din umano ni Bianca na tanggapin ito.

“Ang insecurity I think hindi naman siya nawawala. Matututo ka lang na mabuhay with it. And ang feeling ko diyan sa insecurity, kung in-accept mo siya about you, kahit anong bashing ng mga tao tungkol sa ‘yo, tungkol sa bagay na ‘yun, dahil alam mo siya sa sarili mo at accepted mo siya, okay ka,”.

Sa tulong at suporta ng kanyang pamilya, hindi naging isang malaking balakid ang lumaki nang may insecurities para marating niya ang tagumpay na kanyang tinatamasa sa ngayon.

“For me, malaking part ‘yung family. Ako kasi, morena ako, ‘yung ate ko, morena rin at ang ganda-ganda, ang poise-poise. So, growing up in my family, never sa akin pinaramdam ng kapatid ko or ng magulang ko na dahil maitim ako, ‘mas pangit’ ako. Walang ganun. Nakikita ko na lang siya sa mga commercials, ‘di ba minsan may commercial na kinukumpara ‘yung maputi doon sa maitim. Or sa mga magazines, dati mas konti talaga ‘yung representation ng mga morena. Ang laki laking factor nung pamilya para maramdaman nung bata growing up na beautiful ako sa kung ano ako, sa kung anong meron ako. Maputi man o maitim, ito ako. Beautiful,” paliwanag pa niya.

Payo naman niya sa iba, iwasan ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao.

“Ang kalaban talaga ay feel ng insecurity. Kasi ang insecurity, battle na ‘yan sa sarili mo ‘di ba. Tina-try mong i-accept talaga, and ‘yun kaya ‘yun. It’s a battle you can win kumbaga. Pero ang pinakadelikadong mangyari kapag you have an insecurity is to compare pa yourself to others. Although human nature ‘di ba na ico-compare talaga natin, try as much as possible na ‘wag kasi iba iba tayo, eh. Kanya kanya talaga tayo,” kuwento ni Bianca.

Masaya si Bianca sa piling ng asawang PBA star na si JC Intal at sa dalawa nilang anak. Sana daw ay maipakita rin ni Bianca sa kanyang mga anak ang pagmamahal at suporta na ipinaramdam sa kanya ng mga magulang noong nakaranas siya ng insecurities.

“Sana ‘yung parehong love and support na naramdaman ko habang lumalaki ako ang sukli ko doon ay sana ‘yun ang mapakita ko sa mga anak ko para lumaki silang secure, feeling loved,” pagtatapos niya.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)