Breaking News, Showbiz

‘FPJ: Da King’ at ‘ASAP Natin ‘To’ sa TV5 na mapapanood

NITONG Huwebes, January 21, 2021, naglabas ang ABS-CBN Corporate Communications ng official statement tungkol sa ilang programa ng ABS-CBN gaya ng ‘ASAP Natin ‘To’ at ang ‘FPJ: Da King’ na parehong mapapanood na sa TV5 simula ngayong Linggo, January 24.

Ang dalawang Kapamilya shows ay ilalagay sa timeslots ng tatlong blocktimer programs na nagtapos na.

Ang ASAP Natin ‘To’ ay mapapanuod sa timeslot ng noontime variety show na ‘Sunday Noontime Live’ (SNL), na nagpalabas ng “season ender” noong Linggo, January 17.

Ang FPJ: Da King’ naman ay ilalagay sa timeslot na iniwan ng romance-comedy series na ‘I Got You’ at ng gag show na ‘Sunday Kada.’

Ang ‘SNL,’ ‘I Got You,’ at ‘Sunday Kada’ ay blocktimer programs na iprinodyus ng Brightlight Productions, na pagmamay-ari ng dating Negros Occidental representative na si Albee Benitez. Ang Brightlight Productions ang nagmamay-ari ng timeslots ng tatlong programa, mula 12 noon hanggang 400pm.

Base sa statement ng ABS-CBN Corporate Communications, mapapanuod ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King dahil sa partnership ng ABS-CBN, Cignal, TV5, at Brightlight Productions.

Ang Cignal TV ang main content provider at humahawak ng programming ng TV5.

Ayon kay Robert P. Galang, president at CEO ng Cignal at TV5, ang collaboration na ito ang simula ng “greater cooperation among various industry players and begins a new era of partnership.”

Saad pa niya, “The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible.”

“We are pleased to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike.”The future of entertainment media is rapidly converging around  dynamic mix ot traditional and digital platforms,with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods.We are committed to continously explore more initiatives to provide the best of both worlds to all our stakeholders.”

Patuloy pa rin namang mapapanuod ang ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11 sa free TV, Kapamilya Channel sa cable, at Kapamilya Online Live at iWant TFC sa streaming.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)