Breaking News

Estado ng COVID-19 Vaccination Program, pinabubusisi 

Naghain ng resolusyon ang isang mambabatas para hilingin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa estado ng covid-19 vaccination program ng upang masiguro na supisyente ang distribusyon nito sa buong bansa.

Sa House Resolution No. 1455 na inihain ni Marikina Rep. Stella Quimbo, nais din nitong malaman ang overall cost-effective sa pagpapatupad ng naturang programa.

Ayon sa mambabatas, sa pagkaka-apruba ng 2021 national budget ay may karagdagang alokasyon na nakalaan para sa pambili ng COVID-19 vaccines.

Tungkulin aniya ng kongreso na tiyaking walang masasayang na pondo dito.

Habang may mg ulat na nagkakaroon ng mga negosasyon sa iba’t ibang pharmaceutical companies para sa bakuna, naniniwala ang mambabatas nadapat mayroong malinaw na plano kung papaano mama-maximize ang available funds para ipambili ng bakuna.

Dapat din aniyang busisiin ang plano ng pamahalaan ukol ang pamamahagi sa bakuna at siguhin na sapat ang dosages ang maipapamahagi sa buong bansa at handa ang mga ahensiya sa pamamahagi nito.

 

Ilan sa dapat matugunan ay ang mga tanong kung sapat ba ang cold storage capacity ng bansa, manpower, ano ang training na kailangan, at impormasyon tungkol sa bakuna. (Vina de Guzman)