Lifestyle

EKSKLUSIB HULA:Lihim na saya sa likod ng lumbay

BISTADO’S  HOROSKOP, Mayo 05, 2020

ARIES- Kahit pa maglulungkot-lungkutan ka , ikaw pa rin ay sasaya dahil ang araw naito ay tinakda para makalimutan mo ang maliliit at malalaking problema mo.

Masuwerteng kulay-Purple.

TAURUS- Ito ang araw na kapag nilakasan mo ang loob mo bubuksan ang maraming oportunidad na  pwedeng –pwedeng  makamit mo ang mga pangarap mo.

Mauswerteng kulay-Pink.

GEMINI- Huwag kakalimutan na ang anumang sobra ay ‘di maganda. Silipin mo kung sumosbra ka na sa pagsasaya . Suriin ang sarili mo kung  naaapektuhan na ba ang iyong kalusugan.

Masuwerteng kulay-Beige.

CANCER- Aaliwin ka ngayon ng iyong kapalaran. Masasayang sandali ang iyong mararanasan. Ingatan mong sobra kang  maliban na ang iyong mga obligasyon ay iyong makalimutan.

Masuwerteng kulay-Blue.

LEO- Ito ang araw na  kung ano ang gusto mo magagawa mo. Huwag mong abusihin ang pagkakataong ito na  kahit  hindi maganda sa kapwa ay iyong  isagawa.

Masuwerteng kulay-Black.

VIRGO- Inalis ng Langit ang malalaking hadlang sa buhay mo. Iuna ang iyong madalas na pagiging negatibo , dahil ang gusto ng  Langit ay ang ikaw ay tuloy-tuloy na umasenso.

Masuwerteng kulay-Violet.

LIBRA- Sobra sa bilang ng iyong mga daliri ang mga magagandang kapalaran na handang pumasok saiyong  buhay. Wala kang dapat na gawin kundi ang magtiwala sa iyong sarili.

Masuwerteng kulay-Peach.

SCORPIO- Dumikit ka sa masayahin. Pwede rin na siya ay iyong mahalin. Mas makikinabang ka sa mabubuong relasyon dahil ikaw ay magkakaroon ng inspirasyon.

Masuwerteng kulay-Red.

SAGITTARIUS- Piliin mo lang ang  nakaayon saiyong mga plano. Kahit na maganda at makikinabang ka ,huwag pasukin ang  naiiba at malayo sa mga nauna mong  plano.

Masuwerteng kulay-Brown.

CAPRICORN- May babala na kapag natuwa ka o kapag masaya ka ,mababawasan ang kaban ng iyong yaman. Isipin mo na ang mas mahalaga ay ang iyong pagpupundar para sa kinabukasan.

Masuwerteng kulay-White.

AQUARIUS- Hindi mo magagawa ang  sinasabi mong  kakalimutan mo ang lahat ng  naranasan mula saiyong kabiguan dahil may masasayang sandali na mananatili magpakailanman.

Masuwerteng kulay-Green.

PISCES- Kaya lang naman nakakadama na ‘di umuusad ang kapalaran ay dahil  ayaw mong baguhin ang mga  pwedeng baguhin. Maghanap ng bagong pakikipagsapalaran.

Masuwerteng kulay-Yellow.