Lifestyle

EKSKLUSIB HULA: Maiiwan mo sa pansitan ang iyong kakumpitensiya

BISTADO’S HOROS, Mayo 06, 2020

ARIES-  Kilos na ayon sa mga plano mo. Huwag  mong hayaan na masayang ang magandang pagkakataon na  maiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakompitensya.

Masuwerteng  kulay-Yellow.

TAURUS- Ipakita mo ngayon na  mali ang nag-aakala na  mabibigo ka. Ngayon mo ilabas ang  iyong  magagandang katangian. Marami ang magugulat at hahangaan ka at sasaluduhan.

Masuwerteng kulay-Purple.

GEMINI- Huwag kang papayag na talunin ka ng pag-aalinlanga. Ilagay mo sa isip mo na kahit kailan ang madududa  sa sarili ay susi sa kabiguan at panghihinayang.

Masuwerteng kulay-Pink.

CANCER- Lihim kang matuwa kapag may sumasalungat sa iyong paniwala. Ayon sa kapalaran mo kapag may konta-bida sa buhay mo, may malakingsuwerte para saiyo.

Masuwerteng kulay-Beige.

LEO- Kakaiba at nakakatuwa ang kapalaran mo sa ngayon. Matatagpuan mo ang sarili mo na  nakikinabang dahil sa mga hindi magagandang gawa ng iyong kapwa.

Masuwerteng kulay-Blue.

VIRGO- Aaminin mo sa sarili mo na kailangan munang kumilos dahil  marami ang mga  magagandang bagay na naiisip mo na ang gumagawa ay ang iba.

Masuwerteng kulay-Black.

LIBRA- Bigo ang mahihina. Hindi mahina kaya hindi ka mabibigo. Ito ngayon ang patunayan mo sa sarili mo na ikaw  ay inaakalang mahina pero ang totoo ,ikaw ay malakas.

Masuwerteng kulay-Violet.

SCORPIO- Isara muna ang iyong damdamin. Dahil ikaw na mismo ang makakapansin na  hindi na maganda ang nagiging resulta kapag naawa ka sa isang hindi naman nagbabago.

Masuwerteng kulay-Peach.

SAGITTARIUS- Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nilalabanan ang kalaban. Mas maganda na iwas ka na lang. Sa harapang labanan nasasayang lang ang mga oras na makabuluhan.

Masuwerteng kulay-Red.

CAPRICORN- Lalabas ang galit mo sa ngayon. Hindi mo mapipigilan. Kapag nangyari na agapan mo ang sarili mo na isipin mong  ang galit ay hindi  kailangang magtagal.

Masuwerteng kulay-Brown.

AQUARIUS- Dadalawin ka ngayon ng suwerte at mananahanan saiyong kapalaran kapag  nagpamalas ka ng kabutihan at pagmamahal sa mga  kapos  sa buhay.

Masuwerteng kulay-White.

PISCES- Lumayo ka sa mga negatibo , baka ka mahawa na ang magagandang nagaganap sa buhay mo ay  magsiatras. Mas maganda na dumikit ka sa mga buo ang loob.

Masuwerteng kulay- Green.