Lifestyle

EKSKLUSIB HULA: Ituloy ang naudlot na pangarap

BISTADO  HOROSKOP, Abril 03, 2020

ARIES- Hindi sa ngayon ang  paghahangad na ang nawala ay magbalik.  Mas maganda na ang  mga pangarap mo  na naudlot dahil sa tinalo ka ng iyong damdamin ay iyong muling ituloy.

Masuwerteng kulay-

TAURUS- Madali kang mapaglalangan sa ngayon. Hawakan mo ang sarili mo at ang mas maganda na huwag kang magtatagal sa harap ang isang sobra kong makapagkwento .

Masuwerteng kulay-Green.

GEMINI- Ngayon ang itatanim mong mundong  binhi ay  maging isang punong maraming matatamis na bunga. Ito ang araw para sa pamumuhunan para sa pagpapayaman.

Masuwerteng kulay-Yellow.

CANCER- Oo , ipakita mo na sumunod ka sa  taong  saiyo ay mahalaga pero  ituloy mo pa rin ang pagpaplano sa gusto mong gawin dahil sa huli ay papayagan ka na rin.

Masuwerteng kulay-Purple.

LEO- Hindi ka dapat na maapektuhan ng mga malulungkot na kwento ng buhay. Pwede kang makinig ka lang ng makinig pero  huwag mong panatiliin sa iyong isipan.

Masuwerteng kulay-Pink .

VIRGO- Masarap ang kape dahil sa ang panahon ay malamig. At kapag nanlalamig ang pag-ibig, ang kailangan ay init.  Ito sa ngayon ang  iyong isip-isipin at lakipan mo ng pagkilos.

Masuwerteg kulay-Beige.

LIBRA- Hindi lahat magagandang ideya mo ay maganda ang resulta. Huwag agad –agad na maniniwala. Higit kailan man mas maganda pa rin ang mga subok ng pormula ng tagumpay.

Masuwerteng kulay-Blue.

SCORPIO- Noon pa man, kahit nag-iisa ka kaya mong pagandahin ang buhay mo. Magkaganunman man kailangan mo pa rin lalo na sa ngayon ay may makakaagapay.

Masuwerteng kulay-Black.

SAGITTARIUS- Huwag kang makalimot sa ipinangako mo sa sarili mo na kahit paano ay magsasaya ka  dahil sa mahabang pagsisikap na ginawa mo para sa iba.

Masuwerteng kulay-Violet.

CAPRICORN- Hindi ngayon ang panahon na ikaw ay magbago. Wala kang dapat na baguhin sa sarili mo. Ang mga tao sa paligid mo , sila ang higit sa lahat ay kailangang magbago.

Masuwerteng kulay- Peach.

AQUARIUS- Magandang pagmasdan ang mga batang masayang naglalaro. Sa lugar na kung saan ay nandoon ang mga bata, pumunta ka at  sila ay panoorin mo.

Masuwerteng kulay-Red.

PISCES- Naakit ka sa magaganda na parang nakalimutan muna na isa ka sa kanila. Mas maganda para saiyo para ikaw ay sumigla kundi ang isuot mo ang paboritong mong damit.

Masuwerteng kulay-Brown.