Lifestyle

EKSKLUSIB HULA: Huwag kang kunsintidor

BISTADO’S  HOROSKOP, Mayo 04, 2020

ARIES- Masarap ang nakakatulong sa kapwa. Pero kung mapansin mo sila ay pabigat na layuan mo agad dahil hindi sinasadyang ang naituro mo sa kanila ay ang umasa sa iba.

Masuwerteng kulay-Green.

TAURUS- Mahirap paniwalaan pero ang suwerte mo ay magmumula sa isang tulad mo ring mahiyain na itutulak pa para kumilos. Pasayahin mo siya at ikaw rin ay sasaya.

Masuwerteng kulay-Yellow.

GEMINI- Huwag kang mag-alinlangan, kumilos ka lang ng kumilos.Ang totoo nga , nagiging positibo ang buhay ng taong  kilos ng kilos dahil nakakakita siya ng pag-asa.

Masuwerteng kulay-Purple.

CANCER- Kaya ka nahihirapan ay dahil pinipilit mong saiyo pa rin ang wala namang  hatid saiyo kundi ang kalungkutan. Pagbabago ang kailangan mo higit kailan man.

Masuwerteng kulay-Pink.

LEO- Kahit  hindi mo gusto , pakisamahan mo ang iyong  kinabubuwisitan. Dahil sa ngayon, mahirap nga lang paniwalaan ay  malilipat saiyo ang ilan sa  suwerte niya.

Masuwerteng kulay-Beige.

VIRGO- Kakaiba ang kapalaran mo sa ngayon ,magdagdag ka ng mga lumang gamit. Na ang  epekto ay  mababago ang takbo ng buhay mo papunta sa mas magandang kalagayan.

Masuwerteng kulay-Blue.

LIBRA- Kailangan mo talaga sa ngayon na makadinig ng masasayang kwento kahit hindi mga totoo. Dahil noon paman kapag masaya ka ang buhay mo ay  gumaganda.

Masuwerteng kulay-Black.

SCORPIO- Mabilis ang ikot ng mundo. ‘Di ka maiiwan kung sunggaban mo amg mga oportunidad na nasa saiyong harapan. Lakas lang naman ng loob ang iyong kailangan.

Masuwerteng kulay-Violet.

SAGITTARIUS- Pabalik-balik lang ang mga pangyayari dahil may hindi natapos na dapat na gawin. Magbabalik saiyo ang ilangsuwerte mo na pinalagpas mo. Ngayon muna angkinin.

Masuwerteng kulay-Peach.

CAPRICORN- Iyong –iyo ang araw naito. Ang mga pangyayari ay papabor sa mga kagustuhan mo. Simple lang ang kailangan mo gawin at ito ay ang kumilos ka para ikaw ay umasenso.

Masuwerteng kulay-Red.

AQUARIUS- Pakitaan magada ang walang ginawa kundi ang ikaw ay pintasan. Sa huli , mauunawaan niya na siya ay nagkamali sa ganito. Lahat ng gagawin niya ay pabor saiyo.

Masuwerteng kulay- Brown.

PISCES- Huwag mong tanggihan ang kagustuhan ng magmumula sa malayo. Sakyan mo lang siya at makikita mo na ang iyong  pakinabang ay sobra sa iyong kailangan.

Masuwerteng kulay-White.