Breaking News, Showbiz

Edu Manzano ‘di pa handang magkaapo kay Luis

KASAMA si Edu Manzano sa pelikulang ‘Mamasapano’ mula sa Borracho Productions ni Atty. Ferdinand Topacio. Gumaganap siya rito bilang si Benjamin Magalong, ang kasalakuyang mayor ng Baguio City.

“Siya ‘yung dating head ng Board of Inquiry du’n sa Mamasapano,” sabi ni Edu.

Hindi ba siya natakot na gawin o tanggapin ang pelikula to think na may COVID 19 pandemic?

“To be honest, I would like to think, healthy ako. Maingat ako sa pagkain. Nagti-take naman ako ng supplement. Regular naman  ‘yung exercise ko. So, hindi ako kinabahan. Pero as long as everybody, sumunod sa existing guidelines and protocols, okey naman.”

Paano niya pinaghandaan ang role niya bilang si Magalong?

“Kilala ko naman si Magalong. Bale ang pinag-aralan lang namin sa Board of Inqury is ‘yung actual na affidavits, statements, ebidensiya.”

Samantala, ang panganay na anak ni Edu na si Luis ay engaged na kay Jessy Mendiola.  Nagsabi ba sa kanya si Luis na magpo-propose ito kay Jessy? Humingi ba ito ng advice sa kanya?

“Advice? Never!” sagot ni Edu.

“At ako na ang magsasabi sa kanya, huwag mo akong hingan ng advice.” ani pa ni Edu na natatawa.

“Actually, pinag-usapan, pero sinikreto, eh. And we respect him and Jessy. Ini-inform kami ni Vilma (Santos, dati niyang asawa), pero hanggang du’n lang.”

Close ba siya kay Jessy?

“Nagdi-dinner kami. Lumalabas-labas. But of course, you know, at the end of the day, it’s up to the two of them. Kasi we don’t know what happen behind them.”

May date na ba kung kelan ikakasal sina Luis at Jessy?

“‘Yung final date, wala pa. But I guess ang pinakaimportante sa kanila at this point, is ‘yung inanunsiyo nila ‘yung engagement. Parang ganun na rin ‘yun, ‘di ba?”

Handa na ba siyang matawag na lolo?

“Marami nang tumatawag sa akin ng lolo. ‘Yung mga apo ng sister ko, mga apo ng kapatid ko. So, indirectly, lolo na rin ako.”

Pero hindi pa handa si Edu na magkaapo kay Luis. Katwiran niya, “Alam ninyo, minsan, parang pressure ‘yan e, sa couple. You know, talking about being a lolo, talking about being a lola. I don’t want to put that kind of pressure on them. They’re both very young. They’re both have very successful careers. You know, depends kung ano ang kanilang ipa-prioritize.”

Bukod kay Edu, kasama rin sa ‘Mamasapano’ sina Myrtle Sarroza, Janah Zaplan, ang magkapatid na Rey and Jojo AbelIana, Ritz Azul, Jojo Alejar, LA Santos, at marami pang iba. May special participation dito si Claudine Barretto.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)