Breaking News, Showbiz

Direk Lauren Dyogi pangarap gawing international ang Star Magic

SA panayam ni Lauren Dyogi ng Star Hunt Management at ngayo’y head ng Star Magic kay Ricky Lo ng Philippine Star, ibinahagi nito ang kanyang vision na palawakin ang Star Magic at gawin itong isang international talent agency.

Aniya on his vision for Star Magic, “What I can bring to the table is the ability to unite TV production and talent development and be more efficient in our processes, especially during these challenging times. I also would like to expand the division, be more aggressive in content creation and digital production.”

Dagdag pa niya, “My dream is also to build Star Magic as an international talent agency servicing international productions. I would also like to strengthen our partnership with other independent managers and talent agencies.”

Kaya naman natutuwa ang Star Magic head na nakabuo siya ng isang Pinoy-Pop group na pinangalanang BGYO. Napanood niya ang grupo noong mag-perform sa ‘ASAP Natin To’ noong nakaraang Sunday at ipinagmamalaki nito ang P-Pop group na binubuo nina Gelo, JL, Mikki, Akira at Nate.

When I saw them perform in ASAP, I thought to myself, ‘All the hardships were worth it. It is hard not to support them. Imagine how good they will be in two to three years,’” aniya.

Sinabi pa ni Direk Lauren sa isa niyang pahayag that launching BGYO,trained under Star Hunt Academy,ay bahagi din ng kanilang plano to enter the idol industry.

Dating SHA Boys ang ngayo’y sumisikat nang grupo, ang BGYO at nakatakda ang kanilang group debut later this month pagkatapos pa ng kanilang training.

                                                           *****

            Nova Villa, may misyon ang pag-aartista

Isang masayang salubong sa 2021 ang pagkakaloob sa veteran actress na si Nova Villa, ng isang prestihiyosong karangalan mula sa Vatican, ang Pro Ecclesia et Pontifice medal, ang pinakamataas na pagkilala na binibigay ng isang Santo Papa sa tao sa tulong ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias.

Sa ulat ng Veritas 846 nitong nagdaang Biyernes, January 15, tinanggap ng aktres —Villa Novelita V Gallegos sa tunay na buhay—ang pagkilala noong January 14 sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Quezon City.

“Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” pahayag ng aktres sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ibinigay na pahayag ng aktres, aniya’y hindi niya inakala na siya ang mapipiling parangalan ng simbahang Katolika.

“Bukal sa puso ko ‘yung anything na ginagawa ko for God. I’m happy to do it kahit mahirap.”

Sa nasabing panayam rin, nanawagan ang aktres sa kapwa na maging mabuting alagad ng Diyos.

“I think, I am just an instrument of God’s grace to people. By being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” pahayag ni tita Nova.

Bukod kay Nova Villa, ilang personalidad na rin ang una ng nakatanggap ng parehong pagkilala tulad nina Ai Ai Delas Alas at Ryan Cayabyab.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)