Breaking News, Showbiz

Direk Joel Lamangan pinuri ang husay ni Cloe Barreto

PINURI ng award-winning director na si Joel Lamangan ang bida ng pelikulang ’Silab’ na si Cloe Barreto.

Saad ni Direk Joel sa isang panayam, “Si Cloe, marunong umarte, mahusay umarte.”

Wika pa ng premyadong direktor, “Si Jason Abalos, mahusay din. Sexy si Marco Gomez. Nagpakita sila roon ng mga hindi nila dapat ipakita, ipinakita nila, eh.”

Anong klaseng experience na ma-handle siya ng isang premyadong direktor na tulad ni Direk Joel?

Esplika ni Cloe, “Noong una, nakakakaba talaga, kasi naririnig ko po sila na ganito, ganoon. Pero para sa akin po kasi, parang challenge para mas mailabas ko pa yung dapat kong ilabas and para rin po hindi mapagalitan ni Direk.”

Ang naturang pelikula ang biggest break at launching movie ni Cloe. Isang babaeng wild ang papel na ginampanan ng 20-year old na si Cloe sa pelikula.

Kaabang-abang ang mga daring scene rito ni Cloe kay Marco. Si Cloe bilang si Ana at Marco sa papel na Rod, ay kapwa may asawa na. Subalit naghanap si Ana ng kakaibang init ng pagmamahal kay Rod, na hindi niya naramdaman sa mister niyang ginampanan naman ni Jason.

Sa mga ipinupukol na papuri sa kanya, sinabi ng magandang aktres na nakakataba ito ng puso.

“Sobra pong nakakatuwa, na at least kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga yung best ko, so parang nakakataba po ng puso na makarinig ka ng mga comments na ganoon,” masayang pahayag ni Cloe.

Aminado rin si Cloe na kakabahan siya kung malamang pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan.

Pakli ng dalaga, “Parang… kakabahan po, hahaha! Siguro po masaya na at the same time ay nakakatakot, parang ganoon po siguro ang pakiramdam.

“Pero okay lang naman po iyon, kasi ay natural lang naman po iyon, normal lang na iyong ibang lalaki ay pagpantasyahan iyong ibang babae.”

Flattered din ba siya? “Yes po nakaka-flattered din po, kasi hindi naman lahat ay pinagpapantasyahan ng mga barako. Pero basta po hanggang pantasya lang, okay lang naman po iyon,” nakangiting wika pa ni Cloe.

Sina Cloe at Marco ay kapwa nasa pangangalaga ng mabait na talent manager at lady boss ng 3:16 Events & Talent Management na si Ms. Len Carrillo.

Mula sa panulat ni Raquel Villavicencio, ang Silab ay under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)