Breaking News, Showbiz

Direk Jill pinaiyak ng mga artista; Marco Gomez nagpa-macho para sa ‘Silab’

SALUDO raw ang mahusay na direktor na si Jill Urdaneta sa husay umarte ng lahat ng artistang kasama sa BL series na ‘Limited Edition’ na hatid ni Jojo Bragais (Producer) at mapapanood ngayong buwan ng Pebrero sa Bragais TV.

Ayon nga kay Direk Jill na may isang eksena nga raw na nagpaluha ‘di lang sa kanya at maging sa staff and crew at talaga namang pinalakpakan ay ang confrontation scene ni Jomari (Angeles) at Ruby (Ruiz) na gumaganap na mag-ina.

Kuwento ng mahusay na director, “Grabe yung eksena kagabi kay tita Ruby at Jomari. Iyakan lahat kami sa set as in pati mga nag-iilaw. As in walang mata ang walang luha.”

Hindi nga raw napigilang lumuha si Direk Jill sa husay sa nasabing eksena nina Jomari at Ruby.

“ Growing up without a mother, isa ito sa mga pagkakataon na hinding-hindi ko mararanasan pero dahil kay Tita Ruby Ruiz para ko na ring naranasan at ng lahat ng batang lumaking walang nanay kung paano yakapin at mahalin ng isang ina.”

Dagdag pa nito, “Nakaka-pressure lang kasi ang gagaling nilang lahat, sana mabigyan ko ng justice ang mga talentong ipinagkatiwala nila sa amin.”

Bilib din daw ito sa mga producer ng ‘Limited Edition’ na sina Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris  dahil lahat daw ng kailangan niya sa nasabing BL series ay ibinigay nito sa kanya para mapaganda.

Ang ‘Limited Edition’ ay pinagbibidahan nina Andrew Gan, Jomari Angeles, Ron Angeles, Donna Caraan, best actress Ruby Ruiz, best actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris, atbp. sa panulat ni Joni Fontanos, Directed by Jill Urdaneta, Produced By Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa  Bragais TV (Youtube) ngayong February 2021.

            ******

Marco Gomez nagpaganda ng katawan para sa ‘Silab’

GRABENG preparation daw ang ginawa ng promising  actor  na si Marco Gomez sa pagbibidahan nilang pelikula ni Cloe Barreto, ang ‘Silab’ sa mahusay na direksiyon ni Joel Lamangan under 3:16 Media Network ni Ms. Len Carillo.

Ayon nga kay Marco na  part daw  ng kanyang preparation ang pagpapaganda ng katawan lalo na’t karamihan ng mga eksena sa kanilang launching movie ay nasa beach sila na kailangang naka-topless o nakasando or naka-trunks siya.

Pinag-aralan din nito ang magsalita ng fluent na tagalog lalo na’t di naman ito ang kinalakihan niyang lengguwahe lalo na’t lumaki siya sa Austria na iba ang lengguwahe. Kaya naman daw dito sa part na ito medyo nahirapan si Marco dahil hindi naman siya ganun kagaling magtagalog.

Thankful nga daw ito kay Direk Joel dahil ginaga-guide siya para nagawa niya nang tama ang bawat eksena na ibinigay sa kanya.

“Siyempre nahirapan po ako roon, pero at the end of the day, sabi sa akin ni Direk Joel, ‘Just be you, just be in character, and just do whatever you feel about the character, just feel it’. Kaya iyon po ang ginawa ko.”

Isa raw sa maraming dapat abangan sa ‘Silab’  ay ang maiinit at nagliliyab na lovescene  nila ni Cloe at ang kanilang mga confrontation scene na magpapakita maman ng husay sa pag-arte nina Marco at Cloe.

Ang ‘Silab’ ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)