Breaking News, Showbiz

Direk Jeoff Monzon, lead actor at director ng web series

BIGGEST break ng newbie actor/direktor na si Jeoff Monzon ang web series na ‘Quaranflingz.’ Mapapanood dito ang mga kapana-panabik na istorya tungkol sa iba’t ibang uri ng relasyon na nabuo pagkatapos magkakilanlan sa online world, na hango sa tunay na pangyayari ng mga kabataan ngayong Covid-19 pandemic.     

Si Jeoff ay 26 years old, bukod sa isa siya sa lead actor ng ‘Quaranflingz,’ siya rin ang direktor nito. Karamihan ay short films ang nagawa niya at ang first major movie appearance niya so far ay ang ‘Sabado’ ni direk Carlo Alvarez noong 2019.

“Mostly, pulos extra and support lang po yung mga nagagampanan ko, but it doesn’t stop me pursuing into landing bigger roles,” saad ni Jeoff.

Aniya pa, “Since this pandemic, walang masyadong project. I decided to create this project with my fellow aspiring artists to showcase ourselves and what we can offer. So, new faces po karamihan.

“Naniniwala rin po kasi ako ’pag walang dumadating sa iyo, gumawa ka ng sarili mo para mapansin, and hoping may magpabukas ng opportunity since malawak na rin ang online platform ngayon.”

Paano siya nag-start sa showbiz?

Esplika niya, “I moved back to the Philippines from Canada five years ago in 2016, to pursue acting and modeling. Mas naging active po ako sa fashion modeling, runway fashion shows and some national pageants. Nag-workshop sa iba’t ibang facilities like Star Magic, PETA, kay direk Emmanuel dela Cruz and many more, hanggang sa nakakakuha ako ng opportunities to appear in several projects and try out for auditions.”

Tinalakay sa youth-oriented na serye ang iba’t ibang themes of adolescence kasama na ang friendship, trust, connection, love, fears, heartbreaks, at ang kahalagahan ng komunikasyon.

Kahit na napalayo ng lockdown ang bawat isa sa atin ay nakahanap naman tayo ng paraan para maging konektado pa rin sa mga kapamilya at kaibigan at ito’y sa pamamagitan ng teknolohiya. Dahil sa mga website at livestreaming apps na puwedeng gamitin, di naging imposible ang paghahanap ng pag-ibig sa digital space, maski sa mga taong naghahanap ng kanilang special someone.

Saad ni Jeoff, “Isa sa mga ikinaganda ng pag-develop ng romance online ay nagkakaroon ka ng pagkakataon na makilala ang ibang tao, lalo na ngayong quarantine na dapat nasa bahay lang at bawal lumabas.

“Plus, mas madaling magpahayag ng nararamdaman sa online kaysa sa personal, kaya naman nagiging meaningful ang mga online conversations.”

Wika pa ni Jeoff, “Inspirasyon namin dito ang mga tunay na pangyayaring naganap sa mga grupo ng estranghero na naging virtual friends sa tunay na buhay nang magkakilala sa mga livestreaming apps during quarantine. Dinagdagan ko ito ng fiction para mas mapaganda.”

Tampok din sa ‘Quaranflingz’ sina Ammy Gecana, Nico Harvey, Gem Salgado, Derrick Pua, Gerlaine Silva, Danielle Panganiban, Aaron Maniego, Shy Cortal, at Justin Lim.

Mapapanood ang ‘QuaranFlingz’ simula sa April 23, 8pm, at every Friday sa Youtube Channel ng JM Productions at sa RAD app.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)