Breaking News, Showbiz

Dingdong, kasama na ni Marian bilang brand ambassador

PORMAL nang ipinakilala ng CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang  FB account ang pinakabagong Ambassador ng Beautedetm ngayong 2021. Masayang-masaya nitong binalita na part na ng lumalaking pamilya ng Beautederm ang Kapuso Primetime actor na si Dingdong Dantes.

Ang ‘Descendants of the Sun’ lead actor na si Dingdong ang magiging official brand ambassador ng Beautederm Cristaux Supreme.

Post nga nito sa kanyang FB account, “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!! I proudly welcome Dingdong Dantes to our Beautéderm Family as the official Brand Ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme. With Marian Rivera-Dantes as the face of Beautéderm Home and Dingdong Dantes as our newest Brand Ambassador — it truly is cause for a Double Celebration! Great Things are in the horizon now that Beautéderm has this Celebrity Power Couple onboard! Cheers!!!!!”

Makakasama na ni Dindong Bilang Ambassador ng Beautederm ang kanyang misis na si Marian Rivera-Dantes, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Gabby Concepcion, Ria Atayde, Kitkat, Alma Concepcion, Darren Espanto, Carlo Aquino, Pauleen Memdoza, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Jane Oineza, Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Luke Mejares, Lorna Tolentino, Boobay atbp.

                        *****

Masayang ibinalita ng generous young businessman at CEO & President ng Mushbetter na si Bright Kho na bukas na ang kanyang dream project, ang MushBetter Mart na matatagpuan sa Green Revolution St., CAA Las Piñas.

Nagsimulang magnegosyo si Bright nang ipakilala nito sa publiko ang kanyang very healthy Mushbetter Chips na gawa sa Mushroom na naging patok na patok sa mga Pinoy na maging ang ilan sa ating mga celebrities ay nagustuhan.

Kuwento nga ni Bight, “Kasi nakita ko ang demand lalo na sa mga essential products. Food, grocery, health, dental. Kaya nag patayo kami ganito. Meron kaming mga murang spices, condiments, catsup, hotsauce, toyo, suka, mantika atbp. Kaya bisitahin lang nila ang MushBetter Mart para ma-try nila yung mga products na meron kami.”

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)