Breaking News, Showbiz

Dina may nadiskubre kina Snooky at Jay Manalo

MATAPOS ang kanilang lock-in taping para sa ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ may nadiskubre raw ang isa sa lead stars ng show na si Dina Bonnevie sa kanyang co-stars na sina Jay Manalo at Snooky Serna.

Taliwas sa kanyang madalas na gampanang roles, pinuri ni Dina si Jay sa pagiging butihin at mapagmahal na ama ng aktor. Kahit daw kasi malayo sa pamilya noong lock-in taping, hindi nakakalimutan ni Jay na kumustahin ang kanyang mga anak.

Aniya, “I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.”

Pagkukuwento pa ng aktres, “Every morning, habang nag-mi-makeup ako nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng breakfast kasi magkasunod ‘yung makeup schedule namin. Tapos doon nakikita ko nag-vi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nag-vi-video call sila tuwing umaga then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay.”

Malaki naman daw ang ipinagbago ng aktres na si Snooky Serna; naging mas strong na raw ang karakter nito ngayon.

“Si Snooky naman matagal ko nang nakasama. I used to think she is such a fragile person, napakamahihin, so delicate, pero deep inside she’s a very strong woman. Not only that, I realized she’s a rockstar inside.

“Tahimik ‘yan, mahinhin pero inside she has so many bold ideas, visions, she’s a voracious reader. She tells me about the things she reads. She’s very intelligent. Ngayon ko lang nakikitang nagsasalita openly si Snooky, she’s eager to share her thoughts. I like that about her.”

Samantala, kasalukuyang napapanood ang recap ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ 8PM, sa GMA Telebabad at magsisimula ang fresh episodes nito sa February 8.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)