Breaking News, Showbiz

Diego Gutierrez time-out muna sa basketball, magpo-focus sa music

MARCH 2020 pumirma ng kontrata si Diego Gutierrez sa LVD Management ni Leo Dominguez. Ilang araw lamang matapos iyon ay nagkaroon na ng lockdown dulot ng coronavirus pandemic.

May panghihinayang ba si Diego, na tila naudlot ang showbiz creer niya dahil sa pandemya?

“Kahit papaano po meron kasi sayang, I mean parang natigil  po lahat kasi.  I mean hindi lang naman ako ang naapektuhan, everyone, everyone in this world was affected by the pandemic.

“But I’m just trying to think na everything happens for a reason, na kahit ganun, siguro kung hindi nag-lockdown baka hindi nabuo itong kantang ito na first single ko, so I just believe that everything happens for a reason.

“And in God’s perfect time.”

Ang kantang tinutukoy ni Diego ay ang ‘On A Dream’ na isinulat at ni-record ni Diego last April, 2020.

Kasama niyang nag-compose ng kanta ang matagal na niyang kaibigan na isa ring music producer na si Wilde Quimson; produced naman ito ni Mark Feist.

Si Mark ay pinsan ni Ramon Christopher o Monching na ama ni Diego; magkapatid ang ina ni Mark at ang ina ni Monching, ang Asia’s Queen of Sons na si Ms. Pilita Corrales.

Si Diego, tulad ng alam ng lahat, ay solong anak na lalaki nina Monching at Lotlot de Leon, younger brother ni Janine Gutierrez si Diego, lola niya sina Pilita at Nora Aunor, at lolo niya sina Christopher de Leon at Eddie Gutierrez.

Samantala, ang music video ng ‘On A Dream’ ay directed and edited ni Melvin Dave Jordan.

“Kasama rin dito sa song si Mr. Eric Walls. He’s been a guitarist before nina Beyonce, Janet Jackson, Michael Jackson. So, sobrang honored ako na kasama siya sa kantang ito na first release ko,” bulalas pa ni Diego.

Ire-release ang single ni Diego sa Spotify, Apple Music, Amazon, Deezer at Tidal simula sa Febuary 5.

Madalas na kumakanta bilang guest si Diego sa ‘ASAP Natin ‘To.’ Isa ring basketball player si Diego na miyembro ng Quezon City Defenders. Kaya naman daw niyang pagsabayin ang showbiz career at basketball.

“Sa ngayon po, since  walang basketball dahil sa pandemic, dahil lockdown, nakaka-focus ako sa music nang husto. Pero eventually pagka mas umokay na yung  situation natin, sana, sana ma-balance ko pa rin kahit papaano.

“Pero I guess I have to focus more on this now kasi binigyan ako ng magandang opportunity, may lalabas ako na kanta, so I really have to make sure to work hard on this and focus on this,” pahayag pa ni Diego.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)