Breaking News, Business

DepEd, MAGPAPASAKLOLO SA PRIVATE PUBLISHERS PARA SA MODULE

PLANO ng Department of Education (DepEd) na humingi ng tulong sa mga private publishers upang mag-imprenta ng mga learning resources na gagamitin sa ikatlo at ikaapat na quarter ng school year.

Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, ang pag-outsource sa serbisyo ay magpapagaan sa trabaho ng mga kawani ng ahensiya at magagamit din nang husto ang suporta mula sa pribadong sektor.

Patuloy din umano ang distribusyon ng mga local government units ng mga gadgets sa mga estudyante para sa distance learning. (Eloise L.)