Breaking News, Opinion

Demokrasya sa US malusog

NAGKALETSE-LETSE ang imbestigasyon sa pagkamatay ng stewardess na si Cristine Dacera. Malinaw na dispalinghado ang aksiyon, desisyon at proseso ng pulisya. Bakit hindi kinakastigo ang hepe ng Makati Police. Dahil diyan, naghihinala ang ilan na “nababayaran” ang mga pulis upang “linisin” ang mga ebidensiya. Hanggang ngayon, palpak pa rin ang pulisya sa paghawak ng mga kasong murder at homicide. Hindi kaya isang klase uli ito ng “Visconde”?

—–$$$—

TALIWAS sa paniniwala ng marami, malusog ang demokratikong proseso sa United States. Isipin mong ang mismong pangulo ng US ang siyang tinanggalan ng twitter account at suspek sa panggugulo mismo sa sariling bansa. Pero, kahit pa si US President Donald Trump ang mastermind, hindi niya nagagawang kontrolin o diktahan ang FBI at iba pang ahensiya ng burukrasya. Kung sa Pilipinas ito naganap, panibagong EDSA Revolution ito.

—–$$$—

HINDI nanghihimasok ang military at police department sa partisan politics sa US. Pero, dine sa Pilipinas—konting kibot, kakabilang bakod agad ang mga hepe. Kailangan sundin ang Konstitusyon ng isang bansa—at ang dapat unang sumunod ditto ay ang mismong Pangulo ng Republika. Nagaganap pa ito sa Pilipinas? No comment.

—–$$$–

NGAYON pa lang narararamdaman nang todo ang negatibong epekto ng 10-buwang lockdown. Bumagal na nang todo ang ekonomiya. Maraming negosyo ang nakasarado, may ilang nagtangkang magbukas uli ng puwesto, pero isinarado uli. Wala naman kasing gaanong kliyente at customer.

—–$$$–

MAY opsiyon ay may Karapatan ang mga Pinoy na magdesisyon kung anong klase ng bakuna ang ipatuturok sa kanila sakaling magkaroon ang gobyerno. Paano yan kung tanggihan ng mga Pinoy ang “made in China” . Siyempre, mas gusto pa rin ng Pino ang “Made in USA”.

—-$$$—

MAY mahigit 70 klase ng side effect ang bakuna muna sa Tsino na itinutok sa ilang PSG. Paano yan , aantay sila ng side effects? Iyan ang sinasabi sa bibliya: Yung mga nauuna, ay siya rin ang “mahuhuli” at ang mga nahuhuli ay siyang mauuna. Applicable yan sa bakuna, kasi’y siyempre, hindi pa perfect ang unang labas ng bakuna. Kumbaga, nagkusa ang PSG na maging “guinea pig”—nang hindi nagpapaalam kay Digong.

—–$$$–

BAKIT hindi alam ni Digong na nagpaturok ng covid vaccine ang ilang PSG? Maging ang PSG ay may “ibang amo”? Dapat pag-aralang Mabuti ni Digong ang sitwasyong iyan upang hindi siya mapahamak.

—-$$$–

KAPAG nauubos o nalalapit nang matapos ang termino ng isang Pangulo, hindi maiiwasan na kantiyawan siyang isang “lameduck president”. Mababawasan na kasi ang kanyang “kamandag” tulad ng nararanasan ni US President Donald Trump. Si Trump ay aktuwal nang “lameduck president”. Dapat ay paghandaan ito mismo ni Digong.

—-$$$–

KAHIT si dating Pangulong Marcos sa panahon ng kanyang pagkakasakit at pagtanda—ay sinasabing nagging “lameduck president”. Ang pagiging “lameduck president” ni Marcos ay nagresulta sa pagkamatay ni dating Sen.Ninoy. Hindi kontrolado ni Marcos ang sitwasyon pero alam niyang siya ay “lameduck president” at hindi niya kayang proteksiyon ang ka-frat o ka-brod kaya’t pinigil niyang umuwi ang Tatay ni Kris Aquino.

—-$$$–

ALAM din ni Ninoy na “lameduck president” na si Marcos at nais niyang siya ang pumalit. Pero, pinatay siya ng mga suspek na ayaw siyang maging lider ng bansa matapos si Marcos. Isang lohika ito na dapat maunawaan ng mga nauupo sa Malacanang. Higit pa sa negatibong epekto ng covid ang epekto ng pagiging “lameduck president”. Ipagdasal nating huwag itong maranasan ng idolo nating si Digong sa mga susunod na ilang buwan bago ang 2022 president elections. —30–