Breaking News, Showbiz

Cristina Gonzalez ambassador na ng Beautederm; Princess Punzalan guest sa MarkyTalk 101  

MASAYANG-MASAYA si Cristina Gonzalez Romualdez dahil bahagi na siya ng Beautederm family bilang isa sa lalo pang dumaraming ambassadors ng sikat na beauty brand na pinamumunuan ng President at CEO nito na si Rhea Anicoche Tan.

“Today I officially join the BEAUTeDERM family with the launch of their Latest Product The  C’est Clair Banishing Gel! Say goodbye to unwanted acne and feel the Magic of BEAUTeDERM’s newest Product ! make sure to follow them at Beautéderm for more Skincare essentials. #BEAUTeDERM #CestClair #BeautedermAmbassador,” ayon sa post ni Cristina sa Facebook.

Labis nga ang pasasalamat niya kay Ms. Rhea sa pagtitiwalang ibinigay ng Beautederm lady boss sa kanya. Mahal niya raw ito at ang Beautederm.

Sabi nga ni Cristina sa isa pa niyang FB post sa araw ng pictorial niya, “Happy to be part of the Beautederm family. today’s pictorial was awesome. Love you Rei Anicoche Tan. love all your products plus your clinic was awesome too.”

Nakasama niya sa pictorial ang celebrity couple-entrepreneurs at Beautederm ambassadors ding sina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens. At ang nag-makeup sa kanila ay ang magaling na makeup artist at Beautederm ambassador na si Mariah Santos. Siyempre nasa pictorial din si Ms. Rhea.

#####

EXCITED na ang award-winning international actress na si Princess Punzalan sa nakatakda niyang guesting sa ‘MarkyTalk 101: One-on-One Conversations’ ngayong Sabado, February 13, 11pm. Hosted by Direk Mark Aranal, ang MarkyTalk 101 ay mapapanood sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube channel na MarkyTalk Events.

Siguradong matatalakay sa MarkyTalk 101 ang pagsisimula ng showbiz career ni Princess dito sa Pilipinas lalo na nga’t malaking pressure sa kanya dahil institusyon na sa industriya ang yumao niyang ina na si Helen Vela. Pero nagawa pa ring sumikat ni Princess sa sarili niyang pagsisikap dahil na rin sa taglay na galing at talento.

Bukod sa pagkakaroon ng sariling drama series, nakagawa rin ng maraming teleserye si Princess at ang most memorable at most popular role na ginampanan niya ay bilang kontrabidang si Selina sa ABS-CBN hit series na ‘Mula Sa Puso’ na pinagbidahan ni Claudine Barretto. Later on nagkaroon din ito ng movie version.

Nakagawa rin ng maraming pelikula si Princess. Kahit nga sa Amerika na siya ngayon naka-base since 2005 kung saan nagtatrabaho siya bilang nurse ay nakagawa pa rin siya ng pelikula. Ang latest movie nga niyang Yellow Rose ay nakaikot na at nagwagi sa iba’t ibang international film festivals. Pinagbibidahan ito ng FilAm actress na si Eva. Noblezada. Naipalabas na rin ito sa Pilipinas via online sa KTX. ph noong January 29-31, 2021.

Nakatanggap na rin ng mga awards si Princess gaya ng Best New Female TV Personality sa PMPC Star Awards for Television para sa ‘Lovingly Yours, Helen’ noong 1987. Best Drama Actress naman ang iniuwi niya noong 1998 sa PMPC Star Awards for Television para sa ‘Mula Sa Puso.’

Samantala, big month para kay Princess ang February sa MarkyTalk dahil nakatakda rin siyang mapanood sa pagbibidahan niyang malaking online production ng MarkyTalk na Priksyon, a dramatic reading ng isa sa mga obra ni Gina Marissa Tagasa, sa February 20, 11pm.

Ang MarkyTalk 101 at Priksyon ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists. Kasama rin sa mga produksyon ng MarkyTalk ang MarkyTalk Hope, MarkyTalk LSS, MarkyTalk R&R at MarkyTalk M&M.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)