Breaking News, Lifestyle

CP NG MGA RESPONDENT SA DACERA CASE, SUSURIIN — NBI

ISUSUNOD na ng National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kasunod na rin ito ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa mga tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos na flight attendant bago ito inilibing.

Ani Guevarra, ang NBI digital forensic ang magsasailalim sa pagsusuri sa mga cellphone ng mga isinasangkot sa krimen pero, hindi naman tinukoy kung kasama ring susuriin ang mismong cellphone ng biktima. (Eloise L.)