Breaking News, Showbiz

‘Count Your Lucky Stars’ magpapakilig na ngayong Pebrero 22

TUMATAK ang sikat na tambalang Dao Ming Si at Shan Chai ang phenomenal stars ng F4, sa mga Pinoy ilang taon na ang nakakaraan. Ngayo’y ang bagong henerasyon nina Jerry Yan at bagong kalabtim na si Shen Yue sa sikat na 2020 series na ‘Count Your Lucky Stars’ ang siya namang magpapakilig at ito’y malapit nang mapanood dahil ihahatid ito ng ABS-CBN sa mga Pilipino ang nasabing serye simula ngayong Pebrero.

Unang mapapanood ng mga Pinoy ang serye sa iWantTFC streaming service nang libre ngayong Lunes (Pebrero 22), samantalang ipapalabas din ito sa Kapamilya Channel para sa cable at satellite TV viewers, sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.

Magsisimula ang kuwento kay Calvin Lu (Jerry), isang guwapo at respetadong fashion designer na kilala dahil sa kanyang angking talento at mamahaling porma sa kabila ng kanyang pagkasuplado. Si Andi Tong (Shen) naman ay isa ring fashion designer ngunit matagal nang hindi umaasenso sa buhay dahil sa sunud-sunod na kamalasan na dumarating sa kanya.

Nakatakda namang magkapalit ang kanilang kapalaran at mag-iiba ang mundo nilang dalawa dahil sa isang hindi inaasahang aksidente na pagtatagpuin sila. Habang puro kamalasan ang pagdadaanan ni Calvin, uulanin naman ng swerte si Andi at biglang aabante ang career.

Sa pagkakabaliktad ng kanilang kalagayan, posible rin kayang mauwi sa pag-iibigan ang kanilang tadhana?

Libreng mapapanood sa Pilipinas ang Filipino-dubbed na “Count Your Lucky Stars” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com, na maglalabas ng dalawang bagong episodes kada araw tuwing 8 PM simula Lunes (Pebrero 22) hanggang Marso 10. Maaari din itong panoorin ng iWantTFC users sa mas malaking screen dahil available na rin ito sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

                                                            —@@@—

            ‘Init sa Magdamag’ at ‘Huwag Kang Mangamba’ malapit na

DALAWANG teleserye, ang malapit nang mapanood sa ABS-CBN’s platform at ang mga nasabing programa ay ang “Init sa Magdamag” at “Huwag Kang Mangamba.”  Base sa ipinapakitang posters ng dalawang serye, ito’y  malapit nang mapanood  at nasa pamamahala ng  ABS-CBN Entertainment. 

Nasa bandera ng ABS-CBN Entertainment ang halos lahat ng programang iprinodyus ng Kapamilya network, na ibig sabihin (ang mga nasabing shows) are produced by ABS-CBN subali’t puwedeng ipalabas sa iba’t ibang networks at platforms.

Ang nag-produce ng ‘Init Sa Magdamag’ na pagbibidahan nina Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman ay ang Star Creatives na siya ring gumawa ng mga hit-seryeng ‘Pangako Sa ‘Yo’ (2000 to 2015) at ‘Forevermore’ ng LizQueen,taong 2014.

Base sa inilabas na poster nitong February 13, ‘Init Sa Magdamag’ will be aired on ABS-CBN’s current broadcast platforms: Kapamilya Channel on cable, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, and A2Z Channel 11 on free TV, bagama’t walang ibinigay na eksaktong araw kung kailan ito i-ere at kung anong time slot ito aabangan.

Hindi rin nagbigay ang Dreamscape, ang prodyuser ng ‘Huwag Kang Magamba’ sa saktong date kung kailan mapapanood ang seryeng pagbibidahan ng Gold Squad members na kinabibilangan nina Francine Diaz, Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Seth Fedelin at isa sa aabangan dito ay ang pagbabalik-screen ng aktor na si Diether Ocampo. Tampok din si Mylene Dizon bagama’t may ongoing serye ito sa kabilang network.

Ang HKM at ISM ay parehong ipapalabas sa Kapamilya Channel on cable, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, and A2Z Channel 11 on free TV.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)