Breaking News, Showbiz

Composer Arnel De Pano magbabahagi ng inspirasyon at musika sa MarkyTalk 101  

SUSUNOD na special guest sa ‘MarkyTalk 101: One-on-One Conversations’ ngayong Biyernes, February 5, 11pm, ang award-winning composer, arranger, producer, music director at Gospel artist na si Arnel De Pano. 

Nakilala si Arnel sa music industry dahil sa kanyang nilikhang sikat na mga awitin. Una na riyan ang iconic Gospel song na Lead Me Lord na unang inawit ni Basil Valdez at ginawan din ng bersyon ni Gary Valenciano. Nariyan din ang Lipad ng Pangarap na kinanta rin ni Gary, at ang Papuri classics na Kailan Pa Man, Itatawid sa Landas, Kaisang Puso, Isang Awit Isang Panginoon gayundin ang paboritong Papuri anthem na Dakilang Katapatan.

Kabilang naman sa mga parangal na nakuha ni Arnel ang pagiging two-time winner ng National Commission for Culture and the Arts – National Music Competitions for Young Artists (NCAA-NAMCYA) Choral Writing Competition. Recipient din siya ng Gawad ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa kanyang mga kontribusyon sa original Pilipino church music.

Siya ang Music Director ng BPI Voices Chorale. Dati siyang bass section leader ng San Miguel Maste Chorale.

Bukod sa mga kontribusyon ni Arnel sa Pinoy music industry, nagbigay din ng inspirasyon sa maraming Pinoy ang pagtatagumpay niya sa kanyang laban kontra sa COVID-19 matapos niyang gumaling sa sakit noong April 2020. Ang awitin niyang Lead Me Lord pa ang ginamit na send off song nang kantahan siya ng mga doktor at nurses sa paglabas niya sa Marikina Valley Medical Center bilang COVID survivor.

Kaya naman kaabang-abang ang ibabahaging inspirasyon, aral at musika ni Arnel sa kanyang guesting sa ‘MarkyTalk 101: One-on-One Conversations’ ngayong Biyernes, February 5, 11pm. Hosted by Direk Mark Aranal with co-hosts Pastor Reuel Tica at Jefferson Escaros, ang MarkyTalk 101 ay mapapanood nang live sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube channel na MarkyTalk Events.

Nauna nang nag-guest sa MarkyTalk 101 ang US-based singer-songwriter-performing artist na si JoAnne Lorenzana noong January 22 at sinamahan siya nina Audie Gemora, Carlo Orosa, Dodjie Simon at Eldrin Veloso. Sumunod namang guest noong January 29 ang singer-actress-host at inspirational speaker na si Carla Martinez at sinamahan siya nina Chiqui Hollmann-Yulo, Vins Santiago at Rhoze Rivera.

Ang MarkyTalk 101 ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)