Breaking News, Showbiz

Cloe, Marco and Jason, puring-puri kahit ‘di pa ipinalalabas ang ‘Silab’

OBVIOUSLY ay naghihintay na ng playdate para maipalabas na ang ‘Silab,’ the movie na maglulunsad kina Cloe Barreto at Marco Gomez bilang pinakabagong aktres at aktor ng henerasyon.

            Tapos na ang shooting. Nakapag-pocket presscon na. Nainterbyu na’t naisulat na si Cloe at ang mga kasama niya ritong sina Marco Gomez at Jason Abalos. Napanood na ng ilang piling press ang pelikula. At naipahayag na nila ang papuri.

            To quote some press people who already watched ‘Silab’ – “Parang ‘di baguhan sina Cloe Barreto at Marco Gomez. Cloe is a natural actress. Swak na swak siya sa maseselang eksena, lalo na sa mga dramatikong tagpo where she actd so well!”

            At nagkakaisa ang mga nakapanood. A new star is born. A new actress in the making. And so they say, after ng movie na ito’y magmamarka sa manonood si Cloe.

            But of curse, her leading men, Marco Gomez and Jason Abalos are equally good. Given na iyong kay Jason. An Urian best actor at that, alam nating mahusay na artista si Jason. Pero iyon nga, nakasabay si Marco,  at nasiyahan si direk Joel Lamangan sa ipinakita niyang akting dito.

The movie Is written by Racquel Villavicencio and directed by Joel Lamangan, from 3:16 Media Network Productions. The title, ‘Silab’ connotes fire, nag-aalab kumbaga. Base sa mga larawang ipinamamahagi, kitang-kita roon ang nag-aapoy na kaseksihan ni Cloe Barreto at nagliliyab na kamachohan nina Marco Gomez at Jason Abalos.

            We have written in the past column, na ang 2021 ay taon ng mga bagong artistang magpapaliyab ng damdamin at imahinasyon ng manonood. Pagpasok pa lang kasi ng taon ay nagsulputan na ang mga pelikulang tumatakay sa kaseksihan, may mga search pa para sa mga bagong bituin, at ang nakikita nga namin ay labanan ng mga sexy actors and actresses ang 2021.

            And we see a good fight from Cloe Barreto and Marco Gomez, na bukod sa naggagandahan ang katawan ay napuri na ang akting kahit hindi pa ipinapalabas ang pelikula. And tihs made us excited and eager to see the whole movie. Na tiyak naming ngayon pa lang ay humihila na ito ng kuryosidad sa publiko to see the film. Na alam nating ‘di magtatagal ay matutunghayan na ang kabuuan nito. And let’s all witness kung bakit puring-puri ng mga nakapanood na sina Cloe Barreto, Marco Gomez and Jason Abalos!

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)