Breaking News, Showbiz

Cloe Barretto palaban bilang bagong dyosa; ‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’

ISANG bagong mukha ang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 316 Media Networks sa psychological sex-drama movie na ‘SILAB.’ Her name is Cloe Barreto, 19 years old, from Roxas, Oriental Mindoro, member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.

In ‘SILAB,’ Cloe is Ana, isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa ‘SILAB.’ “Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos.”

Puring-puri rin ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula. “Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.

Dalawa ang leading men ni Cloe sa ‘SILAB’ – sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Ms. Chanda Romero at Lotlot de Leon. Ang ‘SILAB’ ay sinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others. Bukod sa ganda ng script, direction at superb acting ng cast ng ‘SILAB,’ maganda rin ang cinematography ng pelikula.

            ******

‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’

ISA sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng Covid-19 ay ang entertainment industry. Natigil kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat. Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled “AWIT SA PANDEMYA …. A PMPC BENEFIT CONCERT“ na magaganap sa sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 PM (PHST & SGT), 5:00 AM (PDT).

Isa itong virtual concert kung saan magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa. Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.

Pangungunahan ng mga singers at artists na Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa (in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band. Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at Members sa Publicity at Promotions ng “AWIT SA PANDEMYA.” Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)