Breaking News, Showbiz

Cloe Barreto palaban, mapangahas at handang gawin ang lahat!

MAGANDA, palaban, sexy, flawless at may lalim umarte, ‘yan ang ilan sa katangian ng makabagong Pantasya ng Bayan na si Cloe Barreto na ilo-launch sa pelikulang ‘Silab’ kasama ang tall, dark and handsome na si Marco Gomez.

Ang ‘Silab’ ay hatid ng 3:16 Media Network Production ni Ms Len Carillo sa panulat ni Racquel Villavicencio at sa direksyon ng award winning director na si Joel Lamangan.

Ang pelikula ay tungkol sa isang crime of passion. Kasama ni Cloe sa movie si Jason Abalos at isa pang baguhan at palaban ding aktor na si Marco Gomez.

Base sa mga pictorial ni Cloe na naglalabasan para sa promo ng ‘Silab’ ay napaka-daring, mapangahas sa pagpapasilip sa kanyang kariktan ang baguhang aktres.

Naalala namin si Cloe sa katauhan ni Jaclyn Jose na nung nagsisimula pa lang ito ay maganda, flawless, matapang at walang kiyeme sa pagpapa-sexy at may lalim umarte.

At sa kanyang launching movie ay gagawin daw lahat ni Cloe at willing siyang ipakita ang lahat-lahat sa kanya kung kinakailangan sa eksena para mas mapaganda ang ‘ Silab.’ Paniguradong paiinitin ni Cloe ang kalamnan ng mga kalalakihang manonood.

Ang ‘Silab’ ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

            *****

Ron Angeles bibida sa drama series na ‘Love From The Past’

WALA na talagang makakapigil pa sa pagsikat ng plbinansagang Pambansang Curier ng Pilipinas sa ‘Ben X Jim’ na si Ron Angeles dahil kahit February pa lang ay tatlong proyekto na ang nagawa at gagawin nito.

Katatapos lang nitong mag-shoot ng dalawang malalaking projects (BL series) una ay ang blockbuster BL series na ‘B X J Forever’ ng Regal Entertainment kung saan makakasama nito sina Teejay Marquez at Jerome Ponce, atbp. sa direksiyon ni Easy Ferrer, pangalawa naman ang first venture sa paggawa ng BL series ng napakabait at generous producer na si Jojo Bragais ng Brgais TV ang Limited Edition kung saan makakasama naman nito sina Andrew Gan at Jomari Angeles sa direksiyon ni Jill Urdaneta.

At ang pangatlo at nakatakda nitong gawin ay ang Net 24 Original Love drama series na ‘Love From The Past’ na idi-direhe ng award winning director na si Joel Lamangan. Gagampanan daw dito ni Ron ang role bilang si Jacob ang ex-boyfriend ni Claire Ruiz.

“Bale isa po ako sa bida rito kaya sobrang happy ako kasi after kong magbida sa ‘Limited Edition,’ bida ulit ako.

Makakasama ni Ron sina Lot Lot De Leon, Loyd Samartino, Francis Magundayao, Claire Ruiz, Nella Dizon at ang controversial na baguhang actor na si Sean De Guzman ng pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ sa direksiyon ni Joel Lamangan hatid ng Net 25.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)