Breaking News, Showbiz

Cloe Barreto malapit nang pasilabin ang pantasya ng mga kalalakihan

EXCITED na si Cloe Barreto dahil malapit nang ipalabas ang pinagbibidahan niyang pelikulang ‘Silab’ kasama sina Jason Abalos at Marco Gomez. Sa ilalim ito ng direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan at produced by 3:16 Media Networks.

Lumabas na ang promo poster ng ‘Silab’ at talaga namang sumisilab ang pictures ni Cloe with Jason at Marco.

Biniro nga namin si Cloe na malapit na niyang pasilabin ang pantasya ng mga kalalakihan kapag nai-showing na ang launching movie niya.

Natawa lang si Cloe sabay sabing siguradong mag-e-enjoy raw ang mga kalalakihan sa mapapanood nila sa pelikula. Marami raw siyang daring scenes sa ‘Silab’ kasama si Jason. Pati kay Marco ay may mainit din siyang eksena.

Pero dagdag pa ni Cloe, hindi lang daw mga kalalakihan ang makakagusto sa ‘Silab’ dahil maganda raw ang istorya nito sa ilalim ng panulat ni Raquel Villavicencio.

Ayon pa kay Cloe, ibinuhos niya raw lahat nang maibibigay niya para mapaganda ang launching movie niya. Make or break daw ito para sa kanya kaya talagang ginalingan niya. Siyempre sa tulong na rin ni Direk Joel at ng co-stars niya na bukod kina Jason at Marco ay kinabibilangan din nina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Quinn Carrillo at Karl Aquino.

Mismong si Direk Joel ay bumilib sa ipinamalas na pag-arte ni Cloe sa pelikula. Kaya naman talagang kaabang-abang si Cloe na hindi lang kaseksihan ang kayang ipakita kungdi maging husay sa pag-arte. Lalo tuloy nakaka-excite mapanood ang ‘Silab.’

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)