Breaking News, Showbiz

Cloe Barreto ipamamalas ang husay sa pag-arte sa ‘Silab’

HANDA nang ilunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 3:16 Media Networks si Cloe Barreto sa kanyang launching movie – ang psychological sex drama film na ‘Silab.’ 

Hindi na totally baguhan sa showbiz ang 19-year old na si  Cloe na galing sa Roxas, Oriental Mindoro, dahil member siya ng all-female sing and dance group na Belladonnas. Nagkaroon na rin siya ng special role sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na pinagbidahan naman ng co-artist niya sa 3:16 Events and Talent Management na si Sean De Guzman.

Ginagampanan ni Cloe sa ‘Silab’ ang role na Ana, isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

Ayon kay Cloe, napakahirap ng ginampanan niyang role sa ‘Silab.’ “Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos,” aniya.

Puring-puri rin ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula. “Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri ng direktor sa dalaga.

Dalawa ang leading man ni Cloe sa ‘Silab’ – sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Ms. Chanda Romero at Lotlot de Leon with Jim Pebanco, Quinn Carrillo and Karl Aquino.

Ang ‘Silab’ ay isinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga  pelikulang ‘Kapag Langit Ang Humatol,’ ‘Sa Ngalan Ng Pag-ibig,’ ‘Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan,’ ‘Abandonada,’ ‘Pinulot Ka Lang Sa Lupa,’ ‘Hihintayin Kita Sa Langit,’ ‘Batch ’81,’ among others.

Bukod sa ganda ng script, direction at superb acting ng cast ng ‘Silab,’ maganda rin ang cinematography ng pelikula.

Kaya naman talagang kaabang-abang na ang ‘Silab’!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)