Breaking News, Showbiz

Cloe Barreto ikinumpara ni direk Joel kay Jaclyn Jose

KAY Jaclyn Jose ikinukumpara ni direk Joel Lamangan ang baguhang aktres na si Cloe Barreto. They worked as director-actress in ‘Silab,’ the launching movie of Cloe shot in Batangas na malapit nang ipalabas.

            We all know naman who Joel Lamangan is. Beterano na siya sa pagdidirek, award-winning, at hindi basta-basta ang mga naidirek na niyang artista na nabigyan niya ng award. Ibig sabihin he has the eye for real actors/actresses, at kapag sinabi niya, totoo iyon.

            To quote direk Joel, “Parang hindi baguhang artista si Cloe. Napakahusay niya. Para siyang si Jaclyn Jose noong nagsisimula pa lang!”

            And of course we also know who Jaclyn Jose is. Siya iyong aktres na sa umpisa ay nagpakita ng katawan, gumanap sa mapapangahas na papel but her acting prevailed. Sa halip na tingnan ang matapang niyang pagganap sa mga hubarang pelikula, pinuri ang kakaibang acting ni Jaclyn. Kaya tingnan ninyo, kumawala siya sa bold image, naging aktres sa tunay na kahulugan, at wala na ang mga kasabayan niya noon pero siya ay nananatiling busy at tumatanggap pa rin ng mga papel sa telebisyon man o pelikula.

            At siyempre, if Cloe Barreto is like Jaclyn Jose, we can see right away kung anong future ang naghihintay sa kanya. But let us see first ‘Silab’ at husgahan natin siya rito. Ayon kay Leo Bukas, Cloe plays a very complex role in ‘Silab,’ that of a woman who has an obsessive-compulsive neurosis, isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms. Ibig sabihin, she has to exert different emotions here. Na dahil ang sabi ni direk Joel ay napakahusay niya, she passed it with flying colors.

            Kaya nga ngayon pa lang ay excited na tayo to see the full movie.  Ayon na rin sa ilang nakapanood na ng movie ay she is so daring here, ibinigay na ang lahat-lahat, kasama ang equally daring na si Marco Gomez na bukod sa oozing with machismo, mahusay ding nagampanan ang role. Plus of course, they are teamed-up with Urian best actor Jason Abalos. What more can we ask for?

            Meanwhile, we see on social media the sexy photos of Cloe Barreto, Marco Gomez and Jaso Abalos and these pics attract us much, lalo na at sinasabi ngang napakahusay ng mga artista rito, wala kaming maisip na dahilan para hindi magklik ang ‘Silab’ na pinrodyus ni Ma’am Len Carillo of 3:16 Media Networks.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)