Breaking News, Showbiz

Cloe Barreto ibinuhos ang lahat para sa launching movie

MASAYA kami para kay Cloe Barreto, member ng Belladonas dahil may launching movie na siya titled ‘Silab.’ Produced ito ng 3:16 Media Network ni Ma’m Len Carrillo. At mula sa direksyon ni Joel Lamangan at sa panulat ni Raquel Villavicencio.

Dalawa ang leading men niya rito, sina Jason Abalos at Marco Gomez. Hahangaan sa ‘Silab’ si Cloe. Parang hindi siya baguhan kung umarte. Napakahusay niya sa pelikula. Walang takot siyang nakipagsabayan sa mga eksena niya with her co-stars Chanda Romero and Lotlot de Leon. Kaya naman all praises sa kanya si Direk Joel.

Sabi nga ni Cloe,”Hindi po ako na-intimidate sa kanila. Mas ginawa ko silang mga inspirasyon para magawa ko nang maayos ang trabaho ko.”

Bakit nga ba lumabas agad ang husay niya sa pag-arte? Saan ba ito nanggagaling?

Sagot ni Cloe, “Gustung-gusto ko po kasi talagang mag-artista noon pa kaya ngayong nabigyan ako ng pagkakataon ibinuhos ko na lahat. Tinanggal ko na rin lahat ng inhibitions sa katawan ko para  walang masabi si Direk Joel.”

Kasama rin sa ‘Silab’ ang mga kapatid ni Cloe sa 3:16 Events and Talent Management na sna Quinn Carrillo at Karl Aquino.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)