Breaking News, Showbiz

 Cloe Barreto at Quinn Carrillo Viva artists na

MASAYANG-MASAYA ang Belladonnas members na sina Cloe Barreto at Quinn Carrillo dahil pareho silang pumirma ng 10-picture guaranteed contract for five years sa ilalim ng Viva Films.

Itinuturing nilang malaking blessing ito dahil sa kabila nga naman ng pandemya na maraming taga-showbiz ang nawalan ng trabaho, heto sila at nabigyan ng biyaya ng Viva.

Magandang timing ito para kay Cloe dahil malapit na ring ipalabas ang pinagbibidahan niyang pelikulang ‘Silab’ directed by Joel Lamangan and produced by 3:16 Media Network Production. Kasama niya rito sina Marco Gomez, Jason Abalos, Quinn Carrillo, at Karl Aquino. Ibig sabihin hindi mababakante si Cloe after Silab dahil tuloy ang paggawa niya ng pelikula sa ilalim ng Viva.

Hindi rin mawawalan ng proyekto si Quinn after ‘Silab.’ Kaya tuwang-tuwa si Quinn at ang kanyang manager na si Lito De Guzman dahil guaranteed contract ang pinirmahan nila sa Viva.

Ayon pa kina Cloe at Quinn hindi naman nila iiwanan ang Belladonnas kahit may solo careers na sila. Handa pa rin daw silang mag-perform kasama ang kanilang all-girl group.

Tatlong artists na mula sa 3:16 Events and Talent Management ang pumirma na ng movie contracts sa Viva. Nauna ang bida ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na si Sean De Guzman, at sumunod naman sina Cloe at Quinn. Congratulations sa inyong tatlo!

                        *****

            Dating ‘Born To Be Wild ‘ host, bongga ang night club business

SPEAKING of Cloe, Quinn, and Sean, nakasama namin ang tatlo along with Marco Gomez, Karl Aquino, Ithan Magnaye, at iba pang miyembro ng Belladonnas at Clique V nang maimbitahan kami ng CEO and President ng 3:16 Events and Talent Management na si Len Carrillo sa opening ng G-Side Night Club na matatagpuan sa Tomas Morato Avenue malapit sa ABS-CBN.

Bonggang-bongga ang G-Side Night Club na pag-aari ng Survivor Philippines alumnus at dating Born To Be Wild host na si Kiko Rustia at ng asawa niyang si Camille Velasco kasama ang kanilang mga kaibigan bilang business partners.

Ito nga muna ang pinagkakaabalahan ni Kiko habang wala pa siyang ginagawang proyekto sa Kapuso Network.

Kahit pa nga naka-face mask, labis kaming nag-enjoy sa magandang dance and night club na ito dahil mahilig talaga kaming sumayaw. Super dance nga kami kasama ang mga miyembro ng Clique V at Belladonnas sa magagandang dance music na pinatugtog ng magagaling na DJs kasama ang mahuhusay na MCs. Pero bawal ang masyadong magkakalapit dahil nga sa ipinapatupad na health protocols sanhi pa rin ng umiiral na COVID-19 pandemic. Umiikot ang mga bouncer para manita at siguraduhing nasusunod ang social distancing.

Mahigpit ding sinusunod ang restaurant limited seating capacity as per LGU guidelines kaya naman hindi overcrowded sa loob. Hindi na sila nagpapapasok kapag naabot na ang allowed seating capacity. May umiikot din para mag-spray ng disinfectant mist. Kaya naman kahit may COVID pa ay safe ang mga pumupunta sa G-Side para mag-enjoy at pansamantalang makalimot sa problema sa pandemya.

Kung ngayon pa lang ay patok na patok na ang G-Side dahil sa hatid nitong enjoyment at entertainment, siguradong mas dadayuhin ito kapag natapos na ang pandemya. Ang G-Side Night Club ay matatagpuan sa 27 A Tomas Morato Avenue corner Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City. For VIP Couch and table reservations, mag-text sa 0905-5733799.

Thank you Ma’am Len sa imbitasyon at super nag-enjoy kami! Congratulations G-Side Night Club, Kiko and Cams!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)