Breaking News, Showbiz

Cloe at Marco handa nang silaban ang inyong damdamin

TAPOS na ang shooting ng pelikulang ‘Silab’ na pinagbibidahan ng baguhang sina Marco Gomez at Cloe Barreto.

Sa shooting ng kanilang pelikula, inamin ng dalawang stars na nahirapan sila sa eksena. Mabusisi raw talaga si Direk Joel Lamangan sa mga eksena na gagawin.

“Nung una, halos tulala ako kasi di ko alam na shooting na pala yun. Hindi kasi ako makapaniwalang artista na talaga ako.” pagtatapat ni Cloe.

Hindi makapaniwala si Cloe na artista na siya dahil ang mga hinahangaan lang niyang artista noon ay kaeksena na raw niya ngayon. Tulad na lang ni Jason Abalos na isa sa leading man niya. Noon daw ay tagahanga lang siya ni Jason ngayon daw ay kaeksena na niya.

“Lutang na Lutang ang isip ko nung una. Natatakot akong magkamali. Pero nung alam nila na medyo kinakapa ko pa ang bawat eksena ay inalalayan nila ako. Lalo na si Jason na napakabait pala sa personal.” dagdag pa ni Cloe.

Hindi lang si Cloe ang may karanasan sa shooting. Maging ang leading man na si Marco Gomez ay hindi rin siya makapaniwala na dream come true niya ang ‘Silab’ na pelikula.

“Dati kasi pangarap ko lang maging singer talaga. Pero nung habang tumatagal ako sa showbiz, gusto ko na talagang mag-artista. Kasi iba ang feeling kapag artista ka. Marami ang nakakakilala at marami ang nakakasama sa trabaho. Kumbaga lumalawak ang koneksyon sa ibang tao. Iba pag artista. Iba ang feeling kapag nasa showbiz ka na talaga.” pahayag ni Marco.

Magaling kumanta si Marco, pero mas sisikat siya bilang artista. Marami ang nagsabi na si Marco ay magiging big star dahil taglay nya ang mala-Adonis na katawan. Hindi rin papatalbog si Marco kung paghuhubad din lang ang pag-uusapan. Kung hubaran lang naman ay ‘di aatrasan ni Marco.

Sa ngayon puspusan na ang kanilang promo ng movie na ‘Silab.’ Kasama nila rito ang batikang artista na sina Chanda Romero at Lotlot de Leon. Sa direksyon ito ng batikang si Joel Lamangan. Produced naman ito ng businesswoman na si Ms. Len Carillo ng 316 Media Network Production.

Abangan ang mga susunod na ilalabas na publicity photos ng dalawang bida na sina Cloe at Marco. Handa na nilang silaban ang inyong damdamin sa nag-aapoy na ‘Silab’ na malapit nang ipalabas!

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)