Breaking News, Showbiz

Claudine nagpapasalamat kay Atty. Topacio sa kanyang pagbabalik-pelikula

PUMIRMA na noong isang araw ng kontrata ang nagbabalik-pelikula na si Claudine Barretto.

Pumirma siya sa Borracho Films ng isang movie na gagawin na si Joel Lamangan ang magdidirek. Excited na dumating si Claudine sa nasabing pagtitipon na pinatawag ni Atty. Ferdie Topacio sa Mandaluyong para saksihan ang kontrata ni Claudine sa Borracho. Successful naman ang pirmahan at kitang-kita sa mukha ni Claudine na she’s ready to come back.

“Malaking opportunity ito na binigay sa akin ng Boraccho Films na movie dahil hindi lang sa magkakaroon ako ng trabaho kungdi mabibigyan ko na ng katuparan ang kahilingan ng mga tagahanga ko na magbalik na sa paggawa ng movie at ‘yun ang aking ikinagagalak ngayon dahil salamat sa Diyos may isang Atty. Topacio na tumulong sa akin para makabalik ako sa showbiz ulit”.

Samantala, kasama din si Claudine sa movie na ‘Mamasapano’ na kung saan malapit nang matapos ang shooting. Gagampanan ni Claudine ang role ng isang asawa ng isang SAF officer na nasawi sa Mamasapano incident. Isang eksena lang dun si Claudine pero mahaba ang monologue niya kaya sure na magmamarka rin ang kanyang role sa movie.

******

SISIMULAN na rin ang bagong BL series ng Bragais na kung saan si Jojo Bragais  ang producer. ‘Limited Edition’ ang title ng nasabing BL series na gagawin pa lang sa Pampanga.

Kamakailan ay humarap ang mga pangunahing tauhan sa BL series na sina Andrew Gan, Ron Angeles at Jomari Angeles. Sa kanilang tatlo iikot ang istorya ng series.

Si Andrew na guwapo pa rin ay nakapanayam namin. Ayon sa kanya, decided na sana siyang mag-quit sa showbiz dahil sa bagal nga ng takbo ng kanyang career at plano na lang niyang tutukan ang kanyang business. Pero nagbago daw ang kanyang desissyon ngayong may mga sunud-sunod na offers sa kanya.

May ginawa siya sa Iwant TV na isang series at malapit na ipalabas. May movie siya na ginawa, “Crazy In Love with You” at ito na ang “Limited Edition.” Sobrang excited daw siyang magtrabaho ngayon kahit pandemic dahil matagal umano siyang nabakante at walang work.

Kaya ngayon daw na may work at sasamatalahin niya ang pagkakataong ito na gawin at trabahuin ang lahat ng mga assignments niya.

“Napalaking blessings itong mga projects na binigay sa akin ngayon dahil akalain mo kung kailan nagka-pandemic saka ako magkaroon ng sunud-sunod na projects. Noon walang pandemic ay wala, bakante lang ako kaya sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong tumutulong sa akin ngayon.” pahayag ni Andrew.

So alam n’yo na, may bago tayong aabangang BL series sa YouTube Channel. Mag-subscribe lamang sa Bragais TV at libre ninyong mapapanood ito. Sa direksyon ito ni Jill Urdaneta.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)