Breaking News, Showbiz

Claudine hangad ang kaligayahan nina Raymart at Jodi; Jomari may hugot sa buhay

HINDI raw totoo  ang kumakalat na tsika na tinawagan ni Jodi Sta. Maria si Claudine para ipaalam dito ang relasyon nila ng  ex-husband nito na si Raymart Santiago.

Ayon kay Claudine sa presscon ng pagbabalik-pelikula nito na ipoprodyus ng Boraccho Films ni Atty. Ferdinand Topacio, “I was very, very close to Jodi. That’s why I really felt so bad na hindi niya sinabi.“

Siya pa raw ang tumawag kay Jodi para mapag-usapan nila ito lalo na’t naging close din naman sila nang magkasama sa teleseryeng ‘Walang Kapalit’ noong 2007.

“Ang ginawa ko, kinuha ko ang number niya kay Raymart, ako ang tumawag sa kanya. Nagkausap kami.”

Okey naman daw ang kanilang naging pag-uusap, pero nagalit si Claudine dahil hindi daw natupad yung hiniling niya sa mga ito.

“Maayos yung pag-uusap namin. Until meron akong isang hiniling sa kanila na umoo sila.”

Hindi naman daw para sa kanya yun kung hindi kara sa mga anak nila ni Raymart na sina Sabina at Santino.

At kahit hindi nga daw sila okey ni Raymart ay hangad pa rin nito na maging masaya ito at si Jodi.

“In all ano talaga, happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy.  Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy. Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children.”

Sana lang daw ay wag kalimutan ni Raymart ang responsibilidad nito sa kanyang anak at okey na kay Claudine ito.

Pero sa ngayon nga ay balik-trabaho na ulit si Claudine dahil pumirma na nga ito ng kontrata sa Borracho Films sa pelikulang ididirehe ni Joel Lamangan at sa panulat ni Eric Ramos.

                        *****

MAY hugot pala sa buhay ang baguhang actor na si Jomari Angeles kaya naman napakahusay nitong umarte na pinatunayan niya sa mga proyektong kanyang nagawa.

Very honest nitong ikinuwento na mula siya sa broken family kung saan hiwalay ang nanay at tatay niya at malaki siya ng malaman niya ang kanyang totoong ama.

Pero hindi naman daw siya pinabayaan ng kanyang ama dahil sinuportahan naman daw nito ang kanyang pag-aaral at ngayon ngang nag-aartista na siya ay ang ama pa nito ang naghanap ng kanyang matitirahan at mas close na sila ngayon at hindi na pinag-uusapan ang nakaraan.

Pero baon daw nito sa bawat proyekto ang kanyang pinagdaanan sa buhay kaya naman napakausay nitong umarte lalo na sa madadramang eksena.

At ngayon ngang 2021 ay maituturing daw nitong suwerte para sa kanya dahil bidang-bida na siya sa BL series na ‘Limited Edition’ na prodyus ni Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris sa direksiyon ni Jill Urdaneta at mapapanood sa Bragais TV (Youtube).

Sa mediacon nga  ng pinakabago at aabangang BL series sa bansa ngayong  Pebrero, ang “Limited Edition” ay grabe ang kasiyahan ni Jomari dahil siya ang bida dito kasama sina Andrew Gan at Ron Angeles. Matagal nga raw ang naging paghihintay ni Jonari at kung ilang support na rin sa pelikula  at  teleserye ang kanyang nagawa bago siyang naging bida sa isang proyekto at ito nga ay sa ‘Limited Edition.’

Ani Jomari gagawin niya daw ang lahat ng kanyang makakaya bilang pasasalamat kina Jojo at Michelle Jhoie (producer) at Jill (direktor).

Makakasama nito sa nasabing BL Series sina Ron Angeles, Andrew Gan, Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos, Directed by Jill Urdaneta, Produced By Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)