Breaking News, Showbiz

Claudine deadma na sa intriga; Reyna ng Tiktok endorser na

TATLONG dahilan ang sinabi ni Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik-pelikula. Una ay na-miss daw niya ang showbiz, pangalawa ay hindi niya mahindian ang kanyang BFF na si Atty Ferdinand Topacio na siyang producer ng Borracho films na gagawa ng kanyang comeback movie, at pangatlo ay dahil maganda ang project na ang paborito niyang direktor na si Joel Lamangan ang magdidirek.

            Reyding-ready na si Claudine sa kanyang pagbabalik, deadma na raw siya sa intriga, at focus muna sa career.

            *****

             Reyna ng Tiktok, endorser na

PUMIRMA ng isang taong kontrata ang isa sa maituturing na Reyna ng Tiktok at businesswoman na si Rosmar  Tan sa Prestige International. Present sa contract signing  ni Rosmar ang very generous CEO & President ng Prestige International na si Sir Mannix Carancho.

Si Rosmar ay 26 years old turning 27 sa February 12, isang businesswoman at graduate ng BS Medical Technology sa Far Eastern University.

Ayon nga kay Sir Mannix kung bakit niya  kinuha si Rosmae bilang endorser, “Kinuha ko siya dahil sa Tiktok  din, ito ‘yung nakakatawang istorya, meron akong dinuet na tiktok niya, bago lang ako sa tiktok nun tapos dinuet din niya.

“Eh ang daming likes nung tiktok naming dalawa, sabi ko kunin ko nga ito tapos kinontak namin, bale dun na nagsimula.

“Tapos nag-usap kami, sabi ko parang same vibes kami, sabi ko siguro magkakasundo kami, at yun nga magkasundong-magkasundo kami.”

Dagdag pa ni Sir Mannix na marami raw silang magagandang plano para kay Rosmar ngayong taon kasama ng iba pang ambassadors ng Prestige International. At dapat dapat daw abangan ang kanilang pasabog ngayong 2021.

Masaya  at very thankful daw si Rosmar kay Sir Mannix dahil kinuha siya nitong endorser.  “Sobrang saya po, yung feeling na may nag tiwala sa akin ng ganun katagal (1  year) sobrang overwhelmed,

“Hindi po ako pipirma ng 1 year contract or more pa if hindi siya napakabuting tao at hindi napakagandang products ang prestige.”

Bukod kay Rosmar ay may mga Tiktokers din daw na ikokontrata ni Sir Mannix ngayong taon bukod sa mga celebrities na balak nitong kunin para maging endorser ng Prestige International.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)