Breaking News, Showbiz

Claudine ayaw makasama sina Raymart at Jodi sa movie

PUMIRMA na ng kontrata si Claudine Barretto sa Borracho Productions ni Atty. Ferdinand Topacio, kahapon, ika-25 ng Enero, 2021, para sa kanyang comeback film na isu-shoot soon na ang direktor ay si Joel Lamangan.

            Claudine has been absent on doing films for the last 6 years, bale ito ay isang makabuluhang comeback kung tutuusin. Ayon sa kuwento ni direk Joel, na nasa presidential table katabi ng aktres, matagal na raw niyang kinukumbinsi si Claudine para maging artista niya sa pelikula. Sobrang bilib si direk Joel sa aktres at aniya ay isa ito sa mahuhusay na artista ng Philippine cinema.

            Still untitled pa ang pelikula, but the writer, Eric Ramos was present at ibinigay niya ang gist ng istoryang bubuuin nina direk Joel at Claudine. It will be a story of family at sa pagkakahimay ng writer ay maganda ang kahihinatnan nito. Lalo na siyempre, ididrek ito ni Lamangan.

            Initially, ipinakilala na rin ni Atty Topacio ang makakasama ni Claudine sa movie – ang singer na si Gerald Sanos at newcomer Kara Madrid. Hindi pa inire-reveal ang iba pang makakasama rito, but it seems interesting dahil ito nga ay comeback ng isa sa mga interesting actresses of all time.

            Claudine is looking good nang humarap sa press people, mukhang ready na siya talagang humarap muli sa kamera. But of course, hindi niya maiiwasan ang mga tanong, especially sa private life niya, like alam naman ng lahat na ang kanyang ex-husband na si Raymart Santiago ay karelasyon ngayon ni Jodi Sta. Maria.

            She was asked kung totoo nga bang tumawag sa kanya si Jodi para ipaalam sa kanya ang relasyon nito sa kanyang ex-husband?

            “No, hindi totoo.” ani Claudine. “Alam mo, sobrang close kami ni Jodi and nagtataka ako why she didn’t do that. Ako ang tumawag sa kanya!”

            May sama ng loob sa himig ng pananalita ni Claudine, itinuring naman daw kasi nitong kaibigan si Jodi. But she says hangad naman daw niya ang happiness ng mga ito, kung doon sila maligaya. She just stressed na huwag lang daw kalilimutan ng mga ito na may mga anak si Raymart sa kanya at may obligasyona ang aktor sa mga ito.

            Nang tanungin naman si Claudine kung papayag ba siyang tumambal kina Raymart at Jodi sa isang movie, isang malaking NO ang isinagot niya. “Ayoko!” aniya, kahit daw malaki ang offer.

            Meanwhile, abangan natin ang comeback movie ni Claudine dahil malapit nang simulan ang shooting nito. Exciting ito dahil alam naman nating marami pa rin siyang tagahanga and that sa loob ng anim na taon na hindi siya gumawa ng pelikula, aabangan ang kanyang muling pagningning sa wide screen.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)