Breaking News, Showbiz

China at Lito bibida sa ‘Sikat Noon, Sikat Ngayon’ ng EuroTV

HIWALAY na sina Tim Sawyer at dating FHM model na ngayon ay nag-aartista na si China Roces. May Isa silang anak at nasa pangangalaga ni China.

Matatandaan na madalas na pinag-uusapan ang kanilang relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Tim dahil nung huling away nila ay ang pinakamatindi. Naka-live ang kanilang away at pinagpiyestahan ng netizen ang away na yun.

Pero dahil matatag at matibay ang paninindigan ni China, hindi siya natinag at tumayo siya ulit sa sarili niyang paa. Habang single at walang karelasyon si China ay sinasamantala naman nito na magpapayat para sa kanyang mga naka-line up na projects.

Kasama sa pelikulang ‘Silab’ si China at may importanteng role siyang ginampanan sa movie. Maliban diyan ay may upcoming show siya sa EUROTV. Magsisimula ngayong Feb 13, 2021 every Saturday 4 to 5pm.

Makakasama ni China sa show ang kanyang manager na kilalang star builder din na si Lito de Guzman. Kasama nila ang talent manager at reporter na si Throy Catan. Isang oras na balitaktakan ang magaganap sa show na may pamagat na ‘Sikat Noon, Sikat Ngayon.’

“Pinaghandaan namin ito ng aking manager na si Nanay Lito dahil first time naming magsasama sa ganitong show lalo pa’t matagal din akong nabakante dahil nanganak ako. Pero kakayanin ko dahil nasa tabi ko si Nanay Lito na siyang sandalan ko sa lahat ng oras kahit na noon marami pa akong problema sa kanya lang ako humihingi ng tulong at feeling ko kapag nakausap ko na si Nanay Lito ay okey na ako.” pagtatapat ni China.

Pinatunayan ni Nanay Lito sa industriya na marami siyang napasikat na artista including Rita Magdalena, Ramona Revilla, Ynez Veneracion at maraming iba. Kaya papatunayan din daw nya na kayang-kaya niya ang bagong show nila ni China.

“Of course naninibago ako kasi madalas off cam lang ako. Pero ngayon nakaharap na ako sa camera kaya ibang Lito de Guzman  ang makikita nila. Ibang-iba sa mga napapanood nila sa mga previous interview ko sa television. Dito ipapakita namin ang mga dating celebrities na sikat noon at hanggang ngayon. Pati mga basketball players ay itatampok din namin dito. Basta marami kaming ihahandog sa kanila na bago at kaabang-abang. ” pahayag pa ni Nanay Lito.

So ngayon pa lang mukhang papatok sa masa ang tandem na ito na aabangan nating lahat sa EUROTV every Saturday 4 to 5 ng hapon.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)