Sports

CHESS TOURNEY SA IMUS, CAVITE

LULUSOB ang mga woodpushers sa Robinsons Townville, Buhay na Tubig sa Imus, Cavite sa pagsambulat ng CEFAG-Chess Education for Age-Group Robinsons Townville Non-Master 1975 Elimination at Kiddies U-12 Beginner 1700 Chess Tournament sa Marso 14, 2020.
Ipapatupad ang January 2020 NCFP rating list sa 6-7 Round Swiss system Non-Master 1975 Elimination at Kiddies U-12 Beginner 1700 Chess Tournament na may 20 minutes plus 5 seconds delay mode.
Ayon kay national arbiter Boyet Tardecilla ay ang 1-day event ay bukas sa lahat ng non-master chess player na hindi lalagpas sa 1975 ang non-master participants habang nakatuon naman sa kiddies 12 and under beginner ang 1700 limit rating.
Ang top ten (10) qualifier sa Senior (18 years old and above) at High School maging top five (5) sa Elementary division ay uusad sa CEFAG Finals para sa Senior at High School sa Mayo 2, 2020 habang sa Elementary class naman sa Mayo 3, 2020.
Ang mga kalahok ay kinakailangan ay good standing sa National Chess Federation of the Philippines.
No Pooling of prizes kung saan nakalaan sa P3,000 ang magkakampeon sa  Non-Master 1950 and below category habang P500 naman sa Kiddies U-12 beginner 1700 sa event na inorganisa ng Robinsons Townville at CEFAG – Chess Education For Age-Group at sanctione dng NCFP.
Hanapin si NA Boyet Tardecilla (0917-1435999) para sa dagdag detalye.(Marlon Bernardino)-