Breaking News, Showbiz

  Chef Jose Sarasola natupad na ang pangarap na cooking show

PARA sa Kapuso chef na si Jose Sarasola, dream come true ang mapabilang sa isang cooking show. Itinuturing niya itong magandang blessing sa pagpasok ng taong 2021.

Kasama si Iya Villania, parte si Chef Jose ng bagong cooking show ng GMA Network na ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’  Sa press conference ng programa, ibinahagi ni Chef Jose kung gaano siya ka-thankful para sa mga natatanggap na opportunity bilang Kapuso, “It’s been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family really opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa ‘Unang Hirit,’ which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.” aniya.

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well simula ngayong Biyernes, 11:20 a.m., sa GMA Network.

*****
Kim De Leon gusto ring magkaroon ng sariling kanta

NGAYONG 2021, patuloy ang StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim De Leon sa pag-abot pa ng kanyang mga pangarap. Isa raw sa goals niya this year ang makapag-release ng sarili niyang kanta at masimulan ang music career.

Nang makapanayam siya ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Kim na matagal na rin niyang pinapangarap ang pasukin ang music industry, “I’ve always wanted to produce or have a song, ‘yung magkaroon ako ng sariling single lang. Sana magawa ko ngayon or next year.”

Abala naman ngayon si Kim sa regular na pagpe-perform niya sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays’ at parte rin siya ng “The Cray Crew” ang vlog-style online show na mapapanood sa YouTube comedy channel ng GMA Network na You LOL tuwing Huwebes.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)