Breaking News, Showbiz

Charo Laude 100% ang suporta sa benefit concert ng PMPC

ISA sa aabangan sa benefit concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC) entitled ‘Awit  Sa Pandemya: A PMPC  Benefit Concert’ ay  ang recording artist and beauty queen na si Charo Laude.

Aawitin ni Charo ang kanyang hit song na “Sana“ at ang kanyang latest single na “ Pikit Mata“ na very timely dahil nilalaman ng kanyang kanta ang mga kaganapan ngayon sa ating bansa at sa buong mundo  mula sa mga sakuna, pandemiya, pulitika  at maging ang paghihirap na nararanasan ng mga tao sa ngayon.

Thankful nga raw si Charo sa PMPC dahil naimbitahan siya para mapasama sa makabuluhang konsiyertong ito, dahil malaki daw ang dapat niyang ipagpasalamat sa mga Entertainment Press dahil simula pa lang nang nag-aartista siya sa That’s Entertainment, hangang sa naging beauty queen siya at ngayon nga ay singer  ay nandiyan pa rin sa kanyang tabi ang mga press people.

Kaya naman daw 100% ang kanyang suporta sa benefit virtual concert na ito ng PMPC.

Makakasama ni Charo sa ‘Awit sa Pandemiya: A PMPC Benefit Concert’  sina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Luke Mejares, Ima Castro, Gerald Santos, Jeric Gonzales at Ms Kuh Ledesma.

Kasama  din sina  JV Decena, Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

Ang   ‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert’ ay  gaganapin  sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)