Breaking News, Showbiz

Charles Nathan type ang mga babaing mahusay kumanta

MASUWERTENG maituturing ang baguhang aktor na si Charles Nathan dahil ‘ambilis nang pagkakapasok niya sa showbiz where he landed as one of the lead stars of ‘Anak Ng Macho Dancer’ na hindi pa naipapalabas ay may story conference na agad ang follow up movie niya with no less than Nora Aunor as his co-star.

            Sa grand presscon na ibinigay ng Godfather Productions noong isang gabi, para sa ‘Anak Ng Macho Dancer,’ game ding nagpainterbyu si Charles na mas guwapo pala sa personal, star material talaga ang aura, at mukhang may malaking potensyal to make it big in showbiz.

            Siyempre, dahil ang kausuhan ngayon ay mga seksing pelikula, mapa-youtube man o sa mainstream, sexy questions din ang itinatanong sa mga artista. Like kay Charles who understandably naman ay nagpaseksi sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ base sa trailers and pictorials na nailantad na sa publiko.

            Ano ang kaya niyang gawin at ano ang ipinakita niya sa pelikulang ito?

            “Panoorin po ninyo, malalaman ninyo kung gaano ako ka-daring!” ani Charles na inamin na mayroong shower scene, threesome, at tulad ng ibang bida sa movie na sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Miko Pasamonte at Mhack Morales, siya man ay nagtanggal ng saplot dito. Kumbaga ay bahala na lang daw ang manonood na pumili kung sino sa kanila ang nagtataglay ng pinakamalaking ‘hotdog.’

            Nang tanungin kung anong edad niya nai-lose ang virginity, “15 years old po ako noon, sa classmate ko, kaedaran ko po siya!” aniya.

            Ikinuwento niya na dahil first time na pagtatalik iyon ay nasubukan daw niyang gawin ang maraming bagay. “Ganoon po yata talaga kapag unang karanasan!” aniya.

            Sa mga seksing artista, he singled out Sue Ramirez sa tanong kung sino ang gusto niyang maka-lovescene.

            At ang rason niya – “Mahusay po kasi siyang kumanta! Mahilg po kasi ako sa mga babaing kumakanta. Napanood ko kasi si Sue sa isang project with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo at doon ko siya nakitang kumanta. Mula noon, nagustuhan ko na siya!”

            Hindi pa sila nagmi-meet ni Sue Ramirez in person pero hindi malabong mangyari iyon. Now that he is doing good in showbiz, baka bukas-makalawa ay magkadaupang-palad din sila at puwede ring magkatambal sa mga proyekto.

            Meanwhile,  puwede nang mapanood ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ starting January 30, 2021, sa KTX.PH. The movie, which is under Godfather Productions of Joed Serrano, is directed by Joel Lamangan. Kasama rin dito sina Rosanna Roces, Alan Paule, Jay Manalo, Jaclyn Jose, atbp.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)