Breaking News, Showbiz

Cast ng ‘Priksyon’ excited makasama si Princess Punzalan  

EXCITED nang makasama ng buong cast ng major online production ng MarkyTalk na ‘Priksyon’ ang award-winning actress na si Princess Punzalan. 

Ang ‘MarkyTalk Presents Priksyon’ ay dramatic reading ng isa sa mga obra ni Gina Marissa Tagasa na mapapanood nang live ngayong Sabado, February 20, 11pm sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube channel ng MarkyTalk Events. ‘Priksyon’ will be directed by Mark Aranal with Eldrin Veloso as stage manager.

Gagampanan ni Princess sa ‘Priksyon’ ang mommy niyang si Helen Vela. Maski nga siya ay aminadong excited na makasama rin ang buong cast  at gampanan sa produksyon ang mommy niya. Hindi raw nahirapan ang MarkyTalk na kumbinsihin siya na maging bahagi ng Priksyon.

Ayon nga kay Princess sa interview niya kay Direk Mark sa MarkyTalk 101, “Well, it’s not hard to convince me. I would love to help Marky and play the role of my mom. Hindi na ako kailangang itulak para gawin ito. I would love to do that. I feel excited and I’m wondering how people would feel while I narrate what she used to say. So, I’m just excited how people would react.”

Makakasama ni Princess sa ‘Priksyon’ sina Seaver Choy, Jerome Ventinilla, Abigail Co, Jeff Escaros, Joy Ras, Mac Coniconde, Jigger Sementilla and with the special participation of Gina Marissa Tagasa.

Nahingan namin ng pahayag ang dalawa sa cast members na sina Abigail Co at Jeff Escaros at ibinahagi nila sa amin kung gaano sila ka-excited na makasama si Princess sa ‘Priksyon.’ Lubos ang kanilang kasiyahan at malaking karangalang daw ito para sa kanila. Puno rin sila ng mga papuri para sa magaling na aktres.

Sabi nga ni Abigail, “Excited po. While in a pandemic, I find that being in a company of the same faith is vital whether it be at work, or for leisure. Though the production is far from being leisure, it is indeed an experience that awakens the soul. Having Princess Punzalan in the cast makes the ‘Dear Ate Helen’ letter-reading part more poignant.  During the first reading, her voice, and expression reminds me of her mom – who I grew up watching. It sent shivers down my spine on how memories came flooding in while Princess was reading the script. As starstruck as I was, it did not escape me how humble Princess is.  She also gave great advice as a seasoned actress. She was very professional, even though it was at the crack of dawn in LA when we did our script reading.”

Ayon naman kay Jeff, “I am very honored to be part of this online presentation.

Mas naging exciting yung work kasi I’m a fan of Miss Princess at siya pa yung gaganap kay Miss Helen. Nakaka-bless yung pagiging humble ni Miss Princess!”

Ang ‘Priksyon’ ay ang pang-apat na produksyon ng MarkyTalk sa Gina Marissa Tagasa collections. Nauna na nilang nagawa ang Pamilya Magdangal, Dagok, at Manay Ofel. Kasama rin sa special shows ng MarkyTalk ang Oli Impan at Vacancy. Naging special guests na nila sa mga shows na ito sina Hazel Maranan, Joan Menco, Toni Go, Richard Nua, Jun Ofrasio, Joyce Burton Titular, Ron Titular, Carlo Orosa, at Bibeth Orteza.

 I-follow na ang Facebook page ng MarkyTalk at mag-subscribe na sa YouTube channel ng MarkyTalk Events upang mapanood ang Priksyon ngayong Sabado, February 20, 11pm.

Ang Priksyon ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists. Bukod sa special shows at major productions, kasama rin sa mga produksyon ng MarkyTalk ang MarkyTalk 101, MarkyTalk Hope, MarkyTalk LSS, MarkyTalk R&R at MarkyTalk M&M.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)