Breaking News, Showbiz

Carla Martinez sasabak sa Kuliglig ng MarkyTalk

MATAPOS makipagtagisan ng acting kina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Maricel Soriano at Rita Avila sa Kapamilya teleseryeng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin,’ sa online theater production naman ng MarkyTalk na Kuliglig sasabak si Carla Martinez.

Hindi na bago sa teatro si Carla dahil dati na niyang ginagawa ito bukod sa paggawa ng mga teleserye at pelikula. Kaya thankful siya na muli siyang sasabak sa teatro pero this time hindi sa stage kungdi sa online mapapanood nang live ang Kuliglig via Facebook page ng MarkyTalk at YouTube Channel ng MarkyTalk Events ngayong Biyernes, March 19, 11pm.

Sa direksyon ni Mark Aranal, ang Kuliglig ay dramatic reading ng ikalimang episode sa Mga Obra ni Gina Marissa Tagasa na kabilang sa special productions ng MarkyTalk.

Excited na ngang makasama si Carla ng kanyang co-actors sa Kuliglig na sina JV Ibesate, Mitzi Lao, Keats Ronquillo, Elmer Labella, Keziah Placer with the special participation ni Ms. Gina Marissa Tagasa.

Ang Kuliglig ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists.

Samantala, mapapanood naman sa MarkyTalk sa March 23, 11pm, ang special show na ‘Ang Daigdig Ay Isang Patak Ng Luha’ na second production nila mula sa Alberto Florentino Collection. Sa ilalim ito ng direksyon ni Eldrin Veloso at tampok sina Joy Ras, Joshua San Luis at Adrian Robles.

Tampok naman sa ‘MarkyTalk LSS: Livestream Spotlight’ sa March 26, 11pm ang artist at mentor na si Hazel Maranan with the special participation of Pomae Rivera and Mac Coniconde.

Bukod sa special shows at major productions, kasama rin sa mga produksyon ng MarkyTalk ang MarkyTalk 101, MarkyTalk Hope, MarkyTalk LSS, MarkyTalk R&R at MarkyTalk M&M.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)