Breaking News, Showbiz

Broadway stars Ima Castro at Gerald Santos kasama sa PMPC Benefit Concert

MAGSASAMA ang  dalawa sa ipinagmamalaki ng bansa sa larangan ng  pag awit  na kapwa kinikilala ang husay sa hit Broadway musical na Miss Saigon na sina Ima Castro at Gerald Santos sa benefit concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC) entitled ‘Awit Sa Pandemiya: A PMPC  Virtual Benefit Concert.’

Maaalalang 2010 nang mapasama si Ima sa ‘Miss Saigon’ at gumanap na Kim at dito niya pinahanga ang lahat sa husay niyang pagganap bilang Kim at di rin naman matatawaran ang ipinakita ding husay ng Philippines’ Prince of Ballad na si Gerald Santos nang gampanan nito ang role na Thuy sa 2017 ‘Miss Saigon.’

Makakasama nina  Ima at Gerald sa ‘Awit Sa Pandemiya: A PMPC Virtual Benefit Concert’ sina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma with Jos Garcia, JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

Layunin ng makabuluhang proyektong  ito ng PMPC  ang mabigyan ng tulong medikal ang mga miyembro  nito lalo na ang mga senior cetizen. Maaring bumili ng ticket sa  ticket2me.net.

Ang  ‘Awit Sa Pandemya: A PMPC Virtual Benefit Concert’ ay  gaganapin  sa April 18, Sunday, 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)