Breaking News, Showbiz

‘Born To Be A Star’ umaarangkada na sa TV5; Love Month Edition tampok sa MarkyTalk LSS

UMAARANGKADA na sa TV5 ang paghahanap sa next big star sa pagbabalik sa ere ng ‘Born To Be A Star’ na nag-premiere noong January 30 tampok ang fresh set of talents at mga bagong hurado na siguradong nakaiigayang panoorin tuwing weekends. 

Produced by VIVA Entertainment for Cignal TV and TV5, ang ‘Born To Be A Star’ ay naglalagay sa spotlight sa aspiring and talented individuals from across the Philippines.  Ang tatanghaling kampeon ay magwawagi ng P1 million cash prize at recording and management contract under VIVA Entertainment.

Ang naturang singing reality show ay hosted by breakthrough singer-actress Kim Molina and multi-talented actor Matteo Guidicelli, na nagkasama bilang judge detectives sa katatapos lang na programang Masked Singer Pilipinas. Star-studded din ang panel of judges o “Star Judges” na kinabibilangan nina Philippine Rap LegendAndrew E, Asia’s Vocal Supreme Katrina Velarde, OST Princess and former Born To Be A Star finalist Janine Tenoso, G-Force founder and choreographer Teacher Georcelle Sy, and multi-talented singer Sam Concepcion.

Ang audition process ay ibang-iba sa nakasanayan dahil na rin sa mga limitasyon dulot ng pandemya. Ang auditionees ay nag-submit ng videos sa social media platform na Tiktok. Sa daan-daang nag-submit, only 40 applicants were shortlisted for the TV try-outs. Kailangan makakuha ang contestants ng tatlo o higit pang stars mula sa Star Judges upang makaabante sila sa next round.

Mula naman sa 40 auditionees, tanging 21 lang sa kanila ang magmo-move on sa training camp kung saan sila hahasain at iga-guide ng Star Mentors na sina Thyro, Wency Cornejo, at Daryl Ong.

Kaninong bituin ang magniningning at sino ang tatanghaling next big star? Kaya subaybayan na ang ‘Born To Be A Star’ tuwing Sabado, 7pm, sa TV5. May catch-up airing din ito tuwing Linggo, 8pm, sa Viva Entertainment’s SARI-SARI Channel on Cignal TV CH. 03. Also available on SatLite CH. 30 and on Cignal Play on Android and iOS and cignalplay. com.

                        *****

Tampok sa ‘MarkyTalk LSS: Livestream Showcase’ ang Love Month Edition ngayong Biyernes, February 12, 11pm, sa Facebook page ng MarkyTalk at YouTube Channel na MarkyTalk Events.

Sa ilalim ng direksyon nina Jeff Escaros at Eldrin Veloso, ang MarkyTalk LSS presents Love Month Edition ay katatampukan ng showcase ng trainees mula sa MarkyTalk actors na sina Mitzie Lao (professional theater actress, commercial model), Faith Sapit (theater actress, commercial model), Seaver Choy (theater actor), Ian Tabor ( theater actor, child actor sa PTV4 ng Kahanga-hangang Pilipinas), Pomae Rivera (singer/song writer, child actor sa Kahanga-hangang Pilipinas), at Elmer Labella (new theater actor).

Timing ito sa nalalapit na Valentine’s Day sa February 14, kaya tampok sa showcase ang iconic romantic movies na Sleepless in Seattle, Titanic, Pretty Woman, Crazy Rich Asians, Ghost, at A Walk To Remember.

Paliwanag pa ni Direk Jeff sa amin, “Ito yung sa training namin sa mga artist na kasali sa community. Parang we give them scene study training, tapos may showcase ng scenes from the movies na gagawin nila.”

Kaya panoorin na nang live ang Pre-Valentine production ng ‘MarkyTalk LSS Presents Love Month Edition’ ngayong Biyernes, February 12, 11pm, sa Facebook page ng MarkyTalk at YouTube Channel na MarkyTalk Events.

Ang MarkyTalk LSS ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists.

Samantala, pagkatapos ni Arnel De Pano susunod namang magiging special guest sa MarkyTalk 101 sa Sabado, February 13, 11pm, ang magaling na aktres na si Princess Punzalan. Big month para kay Princess ang February sa MarkyTalk dahil nakatakda rin siyang mapanood sa pagbibidahan niyang malaking online production ng MarkyTalk na Priksyon, a dramatic reading ng isa sa mga obra ni Gina Marissa Tagasa, sa February 20, 11pm.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)