Breaking News, Showbiz

Book 2 ng serye nina Kelvin at Mikee, request ng fans

UMAASA ang mga tagahanga nina  Kelvin Miranda at Mikee Quinto sa Book 2 ng matagumpay na seryeng pinagbidahan ng mga ito sa GTV ang ‘The Lost Recipe.’

Request nga ng mga tagahanga ng dalawa na sana raw ay mapagbigyan ng Kapuso Network ang kanilang hiling na magkaroon ito ng Book 2 matapos ngang umere ang finale episode nito kamakailan sa GTV.

At kahit  nga nagkaroon ito ng  special episodes last the Holy Week ay hiling ng mga tagahanga ng dalawa na maipagpatuloy ang kilig sa pagitan ng mga karakter nina Harvey (Kelvin) at Apple (Mikee).

At kahit nga wala pang announcement kung magkakaroon ito ng  Book 2 ay waiting lang daw ang mga tagahanga ng mga ito kung mapagbibigyan ang kanilang hiling.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)