Breaking News, Showbiz

Boobsie sinagip ng Net 25 sa panahong walang-wala siya

MALAKI raw ang dapat ipagpasalamat ng mahusay na komedyanang si Boobsie Wonderland sa pamunuan ng Net 25 dahil  binigyan siya ng trabaho nung kasagsagang walang-wala siya at naubos ang ipon dahil sa pandemya.

 

Kuwento nga ni Boobsie na ang Net 25 ang sumagip sa kanya sa mga panahong walang-wala siya dahil sa kawalan ng proyekto at ni isang kaibigang nilapitan niya ay walang tumulong, na naiintindihan naman daw nito adahil marahil ay kapos din ang mga ito dahil sa pandemya.

Sa ngayon nga raw ay dalawa ang show niya sa Net 25, ang una ay ang “Eat’s Singing Time“ kasama sina Marcelito Pomoy at JC Parker at ang “Kesayasaya“ kung saan kasama naman niya sina Vina Morales, Robin Padilla, Kitkat, Pilita Corrales, atbp.

At sa mga shows nga raw na binigay sa kanya ng Net 25 ay unti-unti nang nakakabangon si Boobsie na meron daw natutunang leksyon sa nangyari sa kanyang buhay.

“Ang leksyon na natutunan ko sa panahon na walang-wala ako na nabenta ko na yung 2 sasakyan ko at ipinasalo yung isa na dapat mag-ipon nang mag-ipon para sa mga panahon ng pangangailangan ay may buhunutin ka.

“Wag umasa sa iba, kahit na kamag-anak o kaibigan kasi masasaktan ka lang kapag tinanggihan ka,  pero inisip ko na lang na baka kailangan din nila dahil pandemya,

“ And lastly ‘wag mawalan  ng pag-asa dahil  may Diyos na laging nakikinig sa mga dasal mo na handang ipagkaloob sayo kung ano man ang dasal mo basta sa magandang paraan. Kaya nga sobra- sobra ang pasasAlamat ko sa Net 25 kasi sila yung nagbangon ulit sa akin at nagbigay ng mga proyekto. “ pagtatapos ni Boobsie.

*****

Meg at Fabio bibida sa ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw Book 2’

Magbibida sa isang kuwento ng pag-ibig ang mahusay na aktres na si Meg Imperial at ang hunk actor na si Fabio Ide sa drama serye ng NET25: ‘Ang Daigdig Koy Ikaw, Book 2.’

Gagampanan ni Meg ang character ni Althea habang gagampanan naman ni Fabio ang character ni Benedict.

Abangan ang bagong simula sa Marso 6, 2021, Sabado, 8pm dito lamang sa NET25.  Ito’y mula sa panulat ni Bing Castro Villanueva, direksiyon ni Eduardo Roy at creative supervision ni Nestor Malgapo, Jr.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)