Breaking News, Showbiz

Bong Revilla sobra-sobra ang pasasalamat sa PMPC

NANUMPA na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC), kahapon, ika-19 ng Enero, 2021, sa harap ng inducting officer na si Senator Bong Revilla.

            Pinabilib kami ng senator-actor dahil nauna pa siya sa amin sa venue, matiyaga niyang hinintay na magdatingan isa-isa ang mga officers, at nagpainterbyu pa. Bihira naming makaharap si Sen. Bong, sa mga pagkakataong naiimbita kami sa presscon kapag may proyekto siya, pero bihira nga iyon kaya hindi kami gaanong sanay na makaharap siya, lalo na tulad nitong ganoon ka-intimate dahil nasa isang function room lang iyon sa Annabels restaurant at 15 officers lang kaming naroon.

            Kaya we were able to talk to him in a closer look, kasama lang namin siya sa isang table at game na game siyang sumagot sa aming mga katanungan.

            But before that table interview, nag-speech muna sa harap namin si Sen. Bong (bago pa nag-induct para sa aming oathtaking), at ang ganda ng mga sinabi niya.

            “Nagpapasalamat ako sa PMPC,” aniya nang paulit-ulit. “Dahil nandiyan kayo noong nagsisimula pa lang ako, nandiyan kayo sa panahon ng pagsubok, nandiyan pa rin sa kabila ng lahat. Nagpapasalamat ako sa PMPC, hindi lang dahil sa pagtanggap ko ng parangal nang ilang beses, kungdi labis akong nagpapasalamat sa pagkakabigay ninyo ng parangal para sa aking ama, si Ramon Revilla, Sr, noong 2019!”

Ang inyong lingkod po ang pangulo ng PMPC noong panahong iyon, pinagkalooban namin ng Natatanging Bituin Ng Siglo si Ramon Revilla, Sr, dahil sa natatangi nitong ambag sa industriya sa loob ng panahon ng pag-aartista nito. Noong 2019 kasi ay selebrasyon ng ika-100 taon ng Pelikulang Pilipino.

            Sen. Bong has so much nicest words for PMPC at nakatatatabang pakinggan na ganoon pala niya pinapahalagahan at minamahal ang samahan namin. We love you, too, Sen. Bong!

            And as Bong Revilla, the actor, masaya naman niyang ibinalita na mayroon siyang bagong programa sa GMA 7, ang ‘Agimat Ng Agila,’ isang action-fantasy-adventure na ipalalabas sa Marso. Sa katuwaan nga nito, ipinapanood niya sa amin ang ilang eksenang aabangan sa programa, at maaksyon nga iyon, may halong fantasy dahil sa taglay niyang agimat kung saan makikipaglaban siya sa masasamang elemento, the role his fans love seeing on him on screen.

            Sa porma ni Bong, mukhang naipasa nga ni Ramon, Sr. ang agimat sa kanya dahil fresh and young looking siya nang aming makaharap, na para bang hindi tumatanda, strong as ever, at ang lakas-lakas pa rin ng karisma. Surely, this ‘Agimat Ng Agila’ will be a big, big hit!

Samantala, here’s the newly elected PMPC officers: President: Roldan Castro, VP: Fernan de Guzman, Sec: Mell Navarro, Asst. Sec: Mildred Bacud, Treasurer: Boy Romero, Asst. Treasurer: Lourdes Fabian, Auditor: John Fontanilla, PROs: Rodel Fernando & Leony Garcia.

Board Members: Joe Barrameda, Timmy Basil, Eric Borromeo, Sandy Es Mariano , Rommel Placente & Francis Simeon.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)