Breaking News, Showbiz

Bong Revilla  napatawad na ang mga taong gumawa ng masama sa kanya

MASAYANG humarap ang napakabait at generous Senator na si Sen. Bong Revilla na siyang nag-induct sa 2021 newly elected officers ng Philippine Movie Press Club last January 19 taong kasalukuyan sa Annabels Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

At halos isa lang ang napansin ng mga officers ng PMPC at ito ay hindi pagtanda ng hitsura ni Senator Bong na mukhang bata na halos walang pinagbago nung kanyang kabataan  at guwapung-guwapo pa rin.

At dito ibinahagi ni Sen. Bong ang kanyang  sikreto  sa kung bakit mukha pa rin siyang bata at di tumatanda ay nagawa na raw niyang patawarin ang lahat ng taong gumawa sa kanya ng hindi maganda at mga taong nakasamaan ng loob.

 “Para di ka tumanda kailangang matuto kang magpatawad, marunong kang magmahal sa kapwa, pinatawad ko na silang lahat” ani Sen. Bong.

Ibinahagi rin ni Sen. Bong ang kanyang bagong serye na magsisilbing pagbabalik niya sa telebisyon  via ‘Agimat Ng Agila’ na by February or March daw maipapalabas sa GMA 7.

Ang ‘Aginat Ng Agila’ ay isang fantasy adventure na punong-puno ng aksyon, drama at katatawanan ay binusisi at pinagandang mabuti ng direktor na si Rico Guttierez at si Nap Jamir ang direktor ng photography.

Ginagampanan ni Sen.Bong ang isang forest ranger na makikipagsagupa sa masasamang elemento na tiyak na magugustuhan ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan         Kasama niya sa ‘Aginat Ng Agila’ sina Sanya Lopez na ayon kay Bong ay napakahusay na aktres at maaaring maging reyna sa pinilakang tabing sa mga susunod na henerasyon, Michelle Dee, Roi Vinzon, Allen Dizon at Benjie Paras na pare-parehong dumanas ng hamon dahil sa hirap na pinagdaanan umano niya habang binubuo ang teleseryeng ito.

Tiniyak naman ni Senator Bong na magugustuhan ng mga bata ang ‘Aginat ng Agila’ na sadyang binuo para sa kanila ngunit may mga tagpo ring sadyang pinaganda para sa mga nakakatanda.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)